DENR, naglabas daw ng temporary closure order sa viral resort sa Bohol noong 2023

DENR, naglabas daw ng temporary closure order sa viral resort sa Bohol noong 2023

- Naglabas ng statement ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) kasunod ng pag-trending ng isang resort sa Bohol

- Sa statement, nilinaw ng kagawaran ang tungkol sa pagdeklara sa Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape na naganap noong 1997

- Kapag ang isang lupa na bahagi ng naturang attraction ay natituluhan bago pa madeklarang protected area ang Chocolate hills ay 'recognized and respected' ang kanilang karapatan sa kanilang lupa

- Gayunpaman, noong nakaraang taon raw ay naglabas ng temporary closure order noong 2023 para sa Captain's Peak Resort

Naglabas ng statement ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) kaugnay sa trending na Captain's Peak Resort sa Bohol. Sa kanilang statement, sinabi ng DENR na naglabas sila ng temporary closure order noong 2023 para sa naturang resort.

DENR, naglabas daw ng temporary closure order sa viral resort sa Bohol noong 2023
DENR, naglabas daw ng temporary closure order sa viral resort sa Bohol noong 2023
Source: Facebook

Naglabas din daw sila ng notice of violation nitong Enero para sa pag-operate nito nang walang environmental compliance certificate (ECC).

Read also

Chocolate Hills, trending dahil sa tinayong resort sa gitna ng mga burol

Nilinaw din ng kagawaran ang tungkol sa pagdeklara sa Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape na naganap noong 1997.

Kung natituluhan ang lupa bago pa madeklarang protected area ang Chocolate hills ay 'recognized and respected' ang kanilang karapatan sa kanilang lupa ayon sa DENR.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Chocolate Hills ay isang natural na pormasyon ng lupa na matatagpuan sa lalawigan ng Bohol sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng libu-libong hugis-bundok na pinaniniwalaang mga 1,268 hanggang 1,776 na mga burol. Ang bansag na "Chocolate Hills" ay mula sa kanilang kulay na nagiging katulad ng tsokolate kapag tuyo ang mga damuhan sa paligid, partikular na sa tag-init. Ito ay isang tanyag na atraksyon sa turismo sa Pilipinas at isa sa mga pinakakilalang simbolo ng Bohol at ng bansa.

Read also

Kyle Echarri, binati si Blythe sa kaarawan nito: "Thanks for making me smile"

Kamakailan, maging ang aktor na si Rayver Cruz ay nagbahagi ng mga picture nila nang bumisita sila ng kanyang pamilya sa Bohol. Pinasalamatan niya ang kanyang kuya na si Rodjun Cruz para sa kanilang bakasyon. Binahagi niya rin ang pagtugtog niya ng ukulele kasama ng mga taga-roon. Sinubukan niya ring syawin ang sayaw na Tinikling.

Matatandang nag-trending sa social media ang chocolate hills kasunod ng pag-viral ng video na binahagi ng isang vlogger. Makikita sa video na binahagi ng Facebook page na Ren The Adventurer, ang isang pool at mga amenities nito sa gitna ng mga burol. Makikita ito sa Sagbayan, Bohol at marami ang nag-react lalo na sa X dahil marami ang naniniwalang hindi nakaganda at nakabuti ang pagpapatayo ng resort na ito. Ang chocolate hills ay binubuo ng libu-libong hugis-bundok na pinaniniwalaang mga 1,268 hanggang 1,776 na mga burol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate