Christian Merck Grey, tinawagan daw ng nagpakilalang abogado ni Xander Arizala

Christian Merck Grey, tinawagan daw ng nagpakilalang abogado ni Xander Arizala

- Nakatanggap daw si Christian Merck Grey ng tawag mula sa isang taong nagpakilala bilang abogado raw ni Xander Arizala

- Hinihingian daw siya ng 500K na bayad sa umano'y danyos dahil daw sa pamamahiya niya kay Xander

- Minabuti daw ni Merck na ipaalam sa kanilang abogado ang tungkol dito at nang makausap ng abogado nila ang taong tumawag ay hindi na daw ito makontak

- Kaya naman daw ibigay ni Merck ang 500K pero tinanong niya ito kung karapat-dapat daw ba siyang bigyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Christian Merck Grey na nakatanggap daw siya ng tawag mula sa isang taong nagpakilalang abogado daw ni Xander Arizala. Hinihingian daw siya ng 500K na bayad sa umano'y danyos dahil daw sa pamamahiya niya kay Xander.

Christian Merck Grey, tinawagan daw ng nagpakilalang abogado ni Xander Arizala
Christian Merck Grey, tinawagan daw ng nagpakilalang abogado ni Xander Arizala
Source: Youtube

Gayunpaman, nang magkausap daw ang taong ito at ang abogado nina Merck ay hindi na makontak ang nagpakilalang abogado ni Xander kinalaunan.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor

Kaya naman daw ni Merck na magbigay ng ganong halaga. Gayunpaman, naitanong niya kung karapat-dapat bang bigyan si Xander. Dagdag pa niya, hindi siya natatakot sa ginagawang ito ni Xander sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate