Jam Magno, nilinaw na nag-surrender siya at hindi inaresto

Jam Magno, nilinaw na nag-surrender siya at hindi inaresto

- Nag-post si Jam Magno ng kanyang picture kasabay ng pagkalat ng picture ng kanyang mugshot

-Nilinaw niyang hindi siya inaresto at kusa siyang nag-surrender at nakapagpiyansa

- Pinaliwanag niya rin kung bakit siya nakangiti sa mugshot na kumakalat sa social media

- Sinabi niyang nakangiti siya sa mugshot dahil aniya ay hindi siya guilty

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Jam Magno kasunod ng pagkalat ng kanyang mugshot online. Sa kanyang post, nilinaw niyang nag-surrender siya at hindi inaresto,

Jam Magno, nilinaw na nag-surrender siya at hindi inaresto
Jam Magno, nilinaw na nag-surrender siya at hindi inaresto
Source: Facebook

Aniya, kaya siya nakangiti sa mugshot ay dahil hindi daw siya guilty.

I smiled because I am NOT guilty. Have you ever seen a mugshot that's much prettier than mine?

Nilinaw niyang hindi siya inaresto dahil kusa siyang nagsurrender at nakapagpiyansa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Still dili makatarog. Funny that people said I was arrested. Hahahahahaha. Correction. I surrendered and posted my 72,000 peso bail and did NOT ask for a discount, and I was escorted by an entire TEAM of Butuan's BEST. So kalma mga abog. Dili gihapon mo katarog.

Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang pamahalaan laban sa mga kritiko. Kabilang sa kanyang mga binatikos ay si Ogie Diaz, Liza Soberano at at maging si Rabiya Mateo.

Nagbigay ng saloobin ang online personality na si Jam Magno kaugnay sa mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Toni Gonzaga . Matatandaang umani ng iba't ibang reaksyon ang umano'y pagigiging host ni Toni sa procalamation rally ng Uniteam. Sinundan pa ito ng kanyang pag-step down bilang main host ng Pinoy Big brother ng ABS-CBN. Nabanggit ni Jam na ang paglisan ni Toni sa PBB ang maating 'one of the best things' na mangyayari sa TV host na maari umanong maging susunod na spokesperson ng Pilipinas.

Read also

Maja Salvador, naikwentong napa-PT dahil sa panaginip na may hawak siyang baby

Nagbigay ng pahayag si Jam Magno kaugnay sa viral post ni Darryl Yap. Ayon kay Magno, 'new best friend' na raw niya si Yap gayung pareho umano sila ng paniniwala. Pareho ring supporters ng Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang dalawa. Kamakailan, binalaan din ni Magno ang umano'y mga bumabatikos kay Toni Gonzaga sa pagsuporta nito sa BBM-Sara tandem.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate