PNP, tukoy na ang dalawang gunmen at ang ilang mastermind sa pamamaril sa bus
- Tukoy na umano ng PNP ang dalawang gunmen at ang ilan sa mastermind sa pamamaril sa magka-live in partner kamakailan habang lulan ng isang pampublikong sasakyan
- Sa ulat ng News5, sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo na inihahanda na ng Nueva Ecija Provincial Police Office ang paghahain ng reklamo laban sa mga suspek
- Hindi na rin muna inilantad ang mga pangalan ng mga ito ngunit ayon sa otoridad ay tiwala silang malakas ang kaso laban sa mga ito
- Matatandaang gumimbal sa publiko ang paglabas ng video ng pamamaril sa loob ng bus noong November 15, 2023
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Natukoy na raw ng Philippine National Police ang dalawang gunmen at ilan sa mga mastermind sa nangyaring pamamaril kamakailan sa isang bus. Sa ulat ng News5, kinumpirma ito ng PNP spokesperson na si P/Col. Jean Fajardo.
Inihahanda na raw ang ihahaing kaso sa mga suspek at tiwala silang malakas ang kaso laban sa mga ito. Hindi pa muna pinangalanan ng PNP ang mga suspek.
“As soon as we reveal the names of those responsible particularly the persons who hired these gunmen ay malalaman niyo na po at very obvious po kung ano ang magiging anggulo dito sa kasong ito,"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kamakailan ay gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.
Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan. Ayon pa sa mga otoridad, naka-blotter ang anak nito at on bail lamang ang kanyang anak. Samantala, nabanggit umano ng biktima sa kapatid niya na may posibleng banta sa kanyang buhay.
Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija. Kuha umano ito noong Marso ng kasalukuyang taon nang sila umano ay magkaalitang mag-ina. Ito ang sinasabing dahilan bakit naging person of interest ngayon ang nag-iisang anak ng babaeng biktima. Mariin naman itong itinanggi ng anak na nakapanayam mismo ng News5.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh