Anak ng isa sa biktima ng pamamaril sa loob ng bus, posibleng person of interest ayon sa PNP

Anak ng isa sa biktima ng pamamaril sa loob ng bus, posibleng person of interest ayon sa PNP

- Posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus

- Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan

- Ayon pa sa mga otoridad, naka-blotter ang anak nito at on bail lamang ang kanyang anak

- Samantala, nabanggit umano ng biktima sa kapatid niya na may posibleng banta sa kanyang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinitingnan ng PNP ang anak ng biktimang babae sa pamamaril sa loob ng isang pampublikong bus bilang posibleng person of interest. Ayon sa PNP nagkaroon umano ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan.

Anak ng isa sa biktima ng pamamaril sa loob ng bus, possibleng person of interest ayon sa PNP
Anak ng isa sa biktima ng pamamaril sa loob ng bus, possibleng person of interest ayon sa PNP
Source: Facebook

Ayon sa PNP spokesperson na si Col. Jean Fajardo, isa ito sa tinitingnan nilang maaring maging motibo.

Read also

PNP, tukoy na ang dalawang gunmen at ang ilang mastermind sa pamamaril sa bus

"Bago nga nangyari itong insidente na ito ay merong alitan itong biktima sa kanyang anak na kinasuhan niya ito at in fact naka-blotter ito at on bail lamang itong kanyang anak. Isa po ito sa tinitingnan po natin na posible na maaaring may motibo po"

Nabanggit din daw ng kapatid ng biktima ang banta sa kanyang buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“On the part of the Nueva Ecija police ay nakausap na rin nila yung kapatid mismo ng biktima at may nakuha silang information na sinasabi na allegedly na may nasabi ang biktima na may possible threat against her life,"

Noong nakaraan ay pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Kabilang sa mga viral na kaso na tinutukan ng publiko sa social media ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Matatandaang ang pagkawala ni Jovelyn Galleno, 22-anyos na dalagang mula sa Palawan ay tinutukan din. Siya ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan para makatulong sa pamilya niya. Matatandaang noong August 5, 2022 siya nawala ngunit matapos ang mahigit isang linggo ay hindi pa rin ito nahahanap. Pinagpatuloy ang imbistigasyon ng otoridad sa kaso lalo at tinututukan ito ng publiko at naipalabas pa ito sa Raffy Tulfo in Action. Kinalaunan ay nasara din ang kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate