CCTV footage ng pagtakas ng suspek sa pamamaril sa isang DJ habang nasa livestream, inilabas

CCTV footage ng pagtakas ng suspek sa pamamaril sa isang DJ habang nasa livestream, inilabas

- Inilabas ang isang video ng pagpasok sa gate pag-alis ng dalawang lalaking pumasok sa loob ng radio booth ng isang napaslang na DJ

- Ito ang nag-viral na video kung saan binaril ang biktimang kinilala bilang si DJ Johnny Walker ng di pa nakikilalang suspek sa Misamis Occidental

- Sa CCTV footage na inilabas na kuha sa labas ng radio booth, dalawang lalaki ang pumasok sa gate at isa sa kanila ang nagbantay sa labas

- Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ang CCTV footage na kuha sa labas ng radio booth ng napaslang na DJ na si DJ Johnny Walker. Base sa CCTV footage na binahagi sa Radyo Bandera Sweet FM Antique Facebook page, dalawang armadong lalaki ang pumasok sa gate.

Read also

Biktima ng agaw-CP, nakuha naman ang motor ng suspek dahil umano sa TikTok

CCTV footage ng pagtakas ng suspek sa pamamaril sa isang DJ habang nasa livestream, inilabas
CCTV footage ng pagtakas ng suspek sa pamamaril sa isang DJ habang nasa livestream, inilabas
Source: Facebook

Sa nilabas na video na kuha sa kanyang bahay sa P-2, Brgy. Don Bernardo A. Neri, Calamba, Misamis Occidental, makikitang may dalawang taong armado ang pumasok.

Isa sa dalawang lalaki ang pansamantalang nawala at pumasok sa loob ng booth at bumalik din ito agad at sabay na lumabas ng gate.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Alas singko ngayong umaga nang maganap ang krimen na kita sa Facebook live stream. Bigla na lang binaril ang mamamahayag at hinablot pa ang kwintas na suot nito. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kabilang sa mga viral na kaso na tinutukan ng publiko sa social media ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito. Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Matatandaang ang pagkawala ni Jovelyn Galleno, 22-anyos na dalagang mula sa Palawan ay tinutukan din. Siya ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan para makatulong sa pamilya niya. Matatandaang noong August 5, 2022 siya nawala ngunit matapos ang mahigit isang linggo ay hindi pa rin ito nahahanap. Pinagpatuloy ang imbistigasyon ng otoridad sa kaso lalo at tinututukan ito ng publiko at naipalabas pa ito sa Raffy Tulfo in Action. Kinalaunan ay nasara din ang kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate