Post ng teacher na nagpapakita ng lagayan ng pintura na ginawang baunan ng estudyante, viral
- Marami ang naantig sa post ng isang teacher kung saan naibahagi niya ang picture ng baunan ng kanyang estudyante
- Maging siya ay naantig sa kanyang nasaksihan at naibahagi niya ang tungkol dito
- Pinakita daw niya iyon sa kanyang anak na agad nagtanong kung paano daw nila matutulungan ang bata
- Pinaliwanag naman niya sa anak na hindi man niya mabigyan ng pinansiyal na tulong ang mga bata ay tuturuan niya ang mga ito upang maging mas maayos ang kanilang kinabukasan pati na rin ng magiging anak nila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ng gurong si Shema Eslozar ang nakakaantig na pictures ng kanyang estudyante na ginawang baunan ang lagayan ng pintura. Ayon sa kanya, hindi man niya mabigyan ng pinansiyal na tulong ang mga bata ay tuturuan niya ang mga ito upang maging mas maayos ang kanilang kinabukasan pati na rin ng magiging anak nila.
Ayon sa post ng teacher, pinakita daw niya ito sa kanyang anak at agad na nagtanong daw ito kung paano sila makakatulong. Pinaliwanag daw niya sa kanyang anak na gagawin niya ang kanyang obligasyon sa mga bata upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga ito.
Nilinaw niya din na binahagi niya iyon hindi para makakuha ng atensiyon ngunit binahagi niya raw ang post na may “sincerity, respect, and humbleness to my dear Facebook friends & the people I know.”
Samantala, matapos mag-viral ang kanyang post ay may mga nais tumulong sa mga mag-aaral. Pinasalamatan ito ng teacher sa kanyang post. Pinakita niya ang mga dumating na donations.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Lahat Po ng mabubuti at mababait na nagshare nlng BLESSINGs sa mga bata ng School nmin & sa mga senders.Ito na Po ang nyung malaking tulOng.1st & 2nd batch ng goods.May God will continue bless everyone.Kami ay taus pusong nagpapasalamat sa nyung lhat.Maraming² salamat Po.
Sa pagbabalik ng face to face classes, kanya-kanyang gimik din ang mga teachers para lamang masigurong masaya ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Isa na rito ang kakaibang paraan ng pag-aattendance kung saan sa halip na 'present' ang sasabihin, 'Darna' sinasabi ng bata para malaman ng teacher na naroon siya.
Gayunpaman, may ilang tila hirap pa rin sa pagbabalik paaralan ng mga bata lalo na iyong mga magulang na labis na naapektuhan ng pandemya. Isa na rito ang nag-viral na liham ng isang magulang na ibinahagi ng teacher.
Nag-viral din ang isang gùro sa Misamis Occidental na namahagi ng surpresa sa kanyang mga mag-aaral na nakakuha ng mataas na grado sa unang markahan pa lang ng panuruang taong 2022-2023.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh