Rendon Labador, nagbahagi ng mensahe sakaling tuluyan nang 'mabura sa internet'
- Nagbahagi ng mensahe si Rendon Labador sa mga taong aniya ay naniniwala sa kanyang adbokasiya
- Sa kanyang Instagram story ay nabanggit niya ang e-mail daw niya na natitirang pwede niyang gamitin
- Dahil daw sa nangyayari sa kanyang mga platforms ay hindi niya sigurado kung makakabahagi pa siya ng video sa kanyang YouTube channel
- Matatandaang matapos mabura ang TikTok account niya ay nabura na rin ang kanyang Facebook page
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ani Rendon Labador, maaaring hindi na siya makapagbahagi ng video sa kanyang YouTube channel. Binahagi niya na lamang ang kanyang email kung sakali raw na tuluyan na siyang mabura sa internet.

Source: Instagram
Sa kanyang Intsagram stories ay inihayag ni Rendon ang kanyang saloobin tungkol sa sunod-sunod na pagkawala ng kanyang mga social media platforms dahil sa aniya'y pag-mass report sa kanya.
Aniya, gagawin pa rin niya ang kanyang ginagawa sakaling mabigyan siya ng platform para makapagsalita.

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh