Pastor Dimver Andales, nakatanggap ng subpoena kaugnay sa Adriane Fornillos murder case
- Nakatanggap ng subpoena ang pastor na si Dimver Andales bilang respondent sa Adriane Fornillos murder case
- Matatandaang nauna nang nagsalita ang pastor kaugnay sa pandadawit sa pangalan niya sa usaping ito
- Nag-viral ang mga post ng karelasyon ng napaslang na si Fornillos
- Nauna na ring pinabulaanan ni Pastor Andales ang mga akusasyon sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakatanggap umano ng subpoena si Pastor Dimver Andales bilang respondent sa Adrian Fornillos murder case. Sa binahaging post ng iFM CDO, nabanggit na nabigyan ng sampung araw si pastor Andales para mag-respond sa subpoena.
Matatandaang mariin niyang pinabulaanan ang akusasyong siya ang nagpapaslang sa boyfriend ni Jone na si Adriane Rovic Fornillos. Aniya, halos apat na buwan na nang mapaslang si Adriane bakit ngayon lang siya dinadawit dito. Balak daw magkaso ng pastor at aniya ay sinisira ang kanyang pangalan lalo at tatakbo ang kanyang anak nitong barangay election.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa pastor, nasa Bukidnon siya noong May 9 kasama ang kanyang pamilya noong araw na pinaslang si Adriane. Aniya, sana ay maging mapanuri ang mga tao dahil ang mga nag-post ng tsismis tungkol sa kanya ay pawang dummy account. Sa panayam ng iFM CDO, sinabi niyang walang basehan ang tsismis na sinasabing siya ang 'sugar daddy' ni Jone.
Nilinaw naman ng abogado niya na respondent pa lang siya at hindi akusado sa naturang kaso.
Kabilang sa ilang mga viral na balita sa social media na naging-usap-usapan ay ang kaso ng isang 80 anyos na lolo na pinakulong. Matatandaang umani din ng simpatya ang pag-viral ng kwento tungkol sa pinakulong na 80 anyos na matanda dahil sa umano'y pagkuha nito ng mangga. Ang korte ay may ipinataw na piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ibinahagi ng Asingan Police Station ang video ng pansamantalang paglaya ni Lolo Narding Floro, ang 80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng manggang siya naman daw ang nagtanim. Dumagsa ang mga nais na magbigay ng piyansa sa matanda subalit mayroon nang nakapagpiyansa para sa kanya. Kaya naman ang mga nalikom na tulong na dumagsa para kay Lolo Narding ay magagamit niya sa pang-araw araw lalo na at namumuhay na raw pala itong mag-isa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh