Siklista, hindi na magsasampa ng kaso sa dating pulis dahil sa takot
- Ayon kay Atty. Raymond Fortun, nagpasya na ang siklista sa viral na video na hindi na siya magsasampa ng kaso
- Nangangamba raw siya sa kaligtasan niya at ng kanyang mga mahal sa buhay
- Sa post ni Atty. Fortun, nabanggit ng siklista na nagbayad pa siya ng P500 dahil sa sinabing gasgas daw sa sasakyan ng dating pulis
- Maging ang vlogger na kumuha ng naturang video ay nakatanggap din daw ng mensahe kaya minabuti nito na burahin na lamang ang kanyang post
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Atty. Raymond Fortun ang screenshot ng naging pag-uusap nila ng siklista sa viral na video kung saan sangkot ang isang ex-pulis. Hindi na raw magsasampa ng kaso ang siklista dahil sa pangangamba para sa kanyang kaligtasan.
Sa post din ni Atty. Fortun ay naibahagi niyang sapilitan daw na pinapirma ang siklista ng agreement na nagkaayos na sila at umamin na siya ang nagkamali. Bukod pa dito ay nagbayad pa raw siya ng P500 sa umano'y gasgas ng sasakyan.
Dinala ng pulis ang siklista sa police station. Doon ay sapilitan sya na pinapirma ng agreement na nagkaayos umano sila at inamin nya na sya ang may mali. Di lang yon — pinagbayad pa sya ng ₱500 dahil nagasgasan nya ang sasakyan ng ex-pulis.
Maging ang vlogger na kumuha ng naturang video ay nakatanggap din daw ng mensahe kaya minabuti nito na burahin na lamang ang kanyang post.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Yung nag-upload ng video ay tinakot din. Hindi nyo na makikita ang video sa vlogsite nya.
Ani Atty. Fortun, siya ang kikilos at magsasampa ng reklamo laban sa dating pulis. Kaugnay dito ay humiling siya ng panalangin para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
Please pray for my and my family’s safety. I will be dealing with people who have scared one vlogger and one cyclist; I expect nothing less. But your prayers will be my armor, and so i will not fear.
Noong nakaraang taon, agaw eksena naman ang umano'y walang awang pagsagasa sa isang traffic enforcer sa Pasig. Sa unang bahagi ng video, makikitang tila pinatatabi na noon ng enforcer ang sasakyan. Subalit sa halip na itabi ito, bahagya na niyang binundol ang enforcer.
Nang mapahiga ang enforcer dahil sa pagkakabunggo, nagawa pa siyang pagulungan ng driver hanggang sa tuluyang itong makatakas. Maraming netizens ang nais na makilala ang may-ari ng sasakyan upang mabigyan ito ng kaukulang kaparusahan.
Matatandaang noong Mayo 2021, hinangaan naman ang isang traffic enforcer na hindi lumaban sa sinita niyang motorista dahil 'beating the red light' ito. Pumalag ang babae na nagawa pang saktan ang enforcer. Nag-viral pa ang video ng komprontasyong ito na nauwi sa pagkabisto ng umano'y iba pang 'di magandang gawain ng babae na may kaugnayan sa droga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh