Nagmamaneho ng red car na umano'y nanakit sa siklista sa viral video, sumuko na
- Sumuko na ang car driver na umano'y nanakit at naglabas pa ng baril sa isang siklista
- Makikitang tila nagkagitgitan ang dalawa dahilan para umano uminit ang ulo ng nagmamaneho ng kotse
- Ayon sa naturang motorista, Agosto 8 pa nangyari ang naturang insidente at nagkapatawaran na sila umano ng siklista
- Sa kanyang pahayag sa pagsuko sa QCPD, nabanggit nitong iniwan na niya sa pulisya ang dalang baril at kanyang pinag-iisipan kung nararapat pa siyang magdala nang ganoon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sumuko na umano sa Quezon city Police District ang nagmamaneho ng pulang kotse sa viral video na umano'y nakaalitan ang isang siklista.
Matatandaang mabilis na nag-viral ang naturang video kung saan makikitang tila nagkagitgitan ang dalawa dahilan para uminit ang ulo ng lalaking nakilalang si Wilfredo Gonzales.
Agad itong lumabas ng kanyang kotse at hindi napigilang masapak ang siklista.
Bukod dito, napabunot pa ito ng baril na nakita rin sa naturang viral video.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, nasabi umano ni Gonzales, Agosto 8 pa umano nangyari ang naturang insidente.
Katunayan, nagkapatawan na umano sila ng naturang siklista sa harap ng pulisya kung saan siya pa umano ang kusang tumawag.
Sa kanyang pahayag sa QCPD, nasabi nitong iniwan na niya ang kanyang baril sa mga awtoridad at pinag-iisipan niya kung kinakailangan pa rin niya talagang magmay-ari ng ganito.
Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ni Gonzales na naibahagi rin ng Super Radyo DZBB 594khz:
Noong nakaraang taon, agaw eksena naman ang umano'y walang awang pagsagasa sa isang traffic enforcer sa Pasig. Sa unang bahagi ng video, makikitang tila pinatatabi na noon ng enforcer ang sasakyan.Subalit sa halip na itabi ito, bahagya na niyang binundol ang enforcer.
Nang mapahiga ang enforcer dahil sa pagkakabunggo, nagawa pa siyang pagulungan ng driver hanggang sa tuluyang itong makatakas. Maraming netizens ang nais na makilala ang may-ari ng sasakyan upang mabigyan ito ng kauukulang kaparusahan.
Matatandaang noong Mayo 2021, hinangaan naman ang isang traffic enforcer na hindi lumaban sa sinita niyang motorista dahil 'beating the red light' ito. Pumalag ang babae na nagawa pang saktan ang enforcer. Nag-viral pa ang video ng komprontasyong ito na nauwi sa pagkabisto ng umano'y iba pang 'di magandang gawain ng babae na may kaugnayan sa droga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh