Libing ng magkasintahang pumanaw sa aksidente, araw din ng kanilang kasal

Libing ng magkasintahang pumanaw sa aksidente, araw din ng kanilang kasal

- Naging araw din ng kasal ang libing ng magkasintahang nasawi sa aksidente sa Pangasinan

- Sakay sa motorsiklo ang dalawa nang mangyari ang aksidente at sa kasamaang palad, pareho silang pumanaw

- Apat na taong magkasintahan ang dalawa na ayon sa ina ng lalake, halos hindi na maghiwalay mula nang magkaroon ang mga ito ng relasyon

- Kaya naman sa araw ng kanilang libing, tila tinupad na rin ng mga mahal nila sa buhay ang pangarap ng dalawa na makasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Araw din ng pag-iisang dibdib nina Bernard De Mesa Jr. at kasintahan nitong si Michaela ang araw ng kanilang libing.

Libing ng magkasintahang pumanaw sa aksidente, araw din ng kanilang kasal
Sina Bernard at Michaela ( GMA regional/ One North Central Luzon)
Source: Youtube

Ayon sa ulat GMA Regional TV, lulan umano ng motorsiklo ang magkasintahan nang maaksidente ito sa Sta. Maria Pangasinan. Sa kasaamang palad pumanaw ang dalawa.

Read also

Escort noong daycare, kalauna'y naging mister na ng kanyang muse

Kwento ng ina ni Bernard na si Janice, apat na taong magkasintahan ang dalawa na halos hindi na maghiwalay buhat nang magkaroon ng relasyon ang mga ito.

Kaya naman bago nila ito ihatid sa huling hantungan, tila tinupad muna ng kanilang mga mahal sa buhay ang pangarap nilang makasal balang araw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, paalala ni Rev. Father Bayani Flores ng St. Joseph the Worker Parish sa Sigay Ilocos Sur, ang kasal ay para lamang sa mga buhay gayung kinakailangang hingin ang pahintulot ng magkasintahan kung parehong bukal sa kalooban nila ang pag-iisang dibdib.

Sa nagdaang taon, kabi-kabila pa rin ang mga kakaibang kwento ng mga ikinakasal sa gitna ng kasagsagan ng pandemya

Isa na rito ang kasalan nina Leziel at Julius Perea kung saan umabot sa Php1.8 million ang halaga ng mga natanggap nilang cash gift mula sa kanilang mga bisita. Kasama na rito ang isang milyong piso na mula naman sa kanilang mga magulang.

Read also

Aljon Mendoza, pinakita ang lalim ng baha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga

Hindi nalalayo ang kwento nina Leziel at Julius sa noo'y ikinasal sa Valenzuela City na sina Joven at May Jean Acosta nang makatanggap din sila ng Php1.2 million mula naman sa kanilang prosperity dance.

Samantala, hinangaan din kamakailan ang bagong kasal na Php3,000 lang ang nagastos sa reception dahil minabuti nila itong ganapin sa Mang Inasal. Gayundin ang isang bride na dahil ayaw na ng magarbong kasalan, niregaluhan na lang siya ng lupain na may sukat na 6000 sqm na lote ng kanyang napangasawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica