Julian Martir, nag-sorry sa viral post noong 2021 na naging mitsa umano para pagdudahan siya
- Sa panayam sa kanya ng News 5, humingi na rin umano ng dispensa si Julian Martir sa mga viral post niya noong 2021
- Ito umano ang sinasabing naging mitsa para pagdudahan ang mga scholarships niya sa 30 na unibersidad sa USA at UK
- Aminado siyang ang mga nagamit na salita ay naka-offend umano sa marami dahilan para siya rin umano ay na-bash
- Kamakailan, nakumpirma rin ng News 5 na totoo nga ang umano'y scholarships sa ilang unibersidad kung saan nag-apply si Julian
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Bukod sa pakiusap ni Julian Martir sa publiko na tigilan na umano ang pagdududa at pagpapakalat ng maling impormasyon sa kanya, humingi rin siya ng dispensa sa nag-viral na post niya noong 2021.
Matatandaang si Julian ay ang 20-anyos na estudyante na umano'y natanggap sa 30 na unibersidad na kanyang nais sanang pasukan.
Sa panayam sa kanya ng News5, sinamantala niya ang pagkakataong makapag-sorry sa publiko sa umano'y nai-post niya dalawang taon na ang nakalipas na tila naka-offend sa ilang mga nakabasa.
"'Yung past issue ko po nung 2021 po, alam kong nagkamali din po ako... Yes may mga words po ako na hindi tama talaga, inayos ko lang po talaga, and then yung mga conversation ko po sa mga friends ko po. Alam po nila na nagkamali din po ako. And I apologize po wholeheartedly to the people that I offended."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sinasabing ang post na iyon ang siyang naging mitsa upang pagdudahan si Julian kung totoo nga ang "too good to be true" niya na mga scholarships.
Aniya, ang naturang post noong 2021 ay tungkol sa data privacy at ginamit lang umano niya ang kanyang platform na maglabas ng kanyang saloobin.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Julian mula sa News 5 Everywhere YouTube channel:
Matatandaang nag-viral si Julian Martir kamakailan dahil sa dami ng nakuhang scholarships sa iba't ibang paaralan sa USA at maging sa UK.
Anak si Julian ng isang soft drinks vendor at isang magsasaka. Dahil dito, inspirasyon umano niya ang kanyang mga magulang sa pag-aaral ng mabuti at pagsusumikap sa buhay.
Subalit sa kabila ng tagumpay, ilan ang nagsasabing hindi totoo ang ganoong kadaming scholarship kaya't naging usap-usapan umano siya sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh