News 5, nakumpirmang pasado nga umano sa ilang unibersidad sa USA at UK si Julian Martir
- Mabusising tinutukan ng News 5 ang kwento ng nag-viral na estudyanteng nakapasa umano sa 30 na unibersidad
- Isa-isa umanong nagpadala ng email ang News 5 sa sinasabing nasa 30 na unibersidad kung saan mabibigyan siya ng scholarship
- Maging ang paaralan kung saan nagtapos si Julian ay kinumpirma naman umano ang kahusayan nito sa pag-aaral
- Nakiusap na rin si Julian na itigil na ang mga post tungkol sa pagdududa umano sa kanyang mga scholarship bilang isang international student
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsalita na muli si Julian Martir, ang estudyanteng nag-viral kamakailan dahil sa 30 scholarhips na napasahan niya sa USA at maging sa UK.
Nalaman ng KAMI na mabusising tinutukan ng News5 ang isyung ito lalo na at kamakailan lang, ay naglabasan ang kabi-kabilang mga komentaryong nagsasabing peke at hindi totoo ang ganoong karaming scholarship ni Julian
"Totoo po talaga 'yung 30 universities na in-apply-an ko po. Kahit i-email niyo pa sila nang paulit-ulit, they will give the same response," ani Julian.
Isinailalim sa image forensics ang mga admission letter na natanggap ni Julian sa mga inaplayan na unibersidad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa-isa rin umanong na-email ng News 5 ang mga unibersidad na inaplyan ni Julian.
Tatlo sa mga ito ang nagkumpirmang pumasa nga sa admission classes si Julian at nabigyan pa ng scholarship.
Ilan sa mga ito ang Ohio Wesleyan University kung saan $40,000 ang halaga ng kanyang scholarship.
Gayundin ang Alfred University at Regis University kung saan $23,000 naman ang halaga ng kanyang merit scholarship.
Maging ang University of Massachussetes sa Boston ay nagkumpirma rin habang ang mga unibersidad naman ng Marquette at Simmons ay tumangging magbigay ng pahayag patungkol sa kanilang mga posibleng maging estudyante sa susunod na panuruang taon.
Sa pagbisita sa kanya ng News 5, ipinakita naman ni Julian ang admission documents na mula naman sa University of Arizona.
Pakiusap niya, itigil na umano ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa kanya at umano'y pagdududa sa maituturing na tagumpay na kanyang natanggap.
"I hope na ma-stop na po yung mga nag-post po ng... hindi totoo about sa akin. Kasi 'yung mga scholarships po na nagbigay sa akin, totoo po talaga po 'yan. Ni-review po talaga nila 'yan na need ko po yung scholarship ko as an international student."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa News 5 Everywhere:
Matatandaang nag-viral si Julian Martir kamakailan dahil sa dami ng nakuhang scholarships sa iba't ibang paaralan sa USA at maging sa UK.
Anak si Julian ng isang soft drinks vendor at isang magsasaka. Dahil dito, inspirasyon umano niya ang kanyang mga magulang sa pag-aaral ng mabuti at pagsusumikap sa buhay.
Subalit sa kabila ng tagumpay, ilan ang nagsasabing hindi totoo ang ganoong kadaming scholarship kaya't naging usap-usapan umano siya sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh