OFW na apat na taong di nakauwi, emosyonal na sinurpresa ang mga magulang
- Viral ang emosyonal na pagsurpresa ng isang OFW sa kanyang mga magulang
- Makalipas ang apat na taon, ngayon pa lamang siya nagkaroon ng pagkakataong
- Hindi napigilan ang pagbuhos ng emosyon nang makita ng ina ang kanyang anak
- Marami ang naantig sa tagpong ito lalo na at marami sa ating mga kababayan sa ibang bansa ang nakararanas ng ganitong pananabik na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-pansin sa social media ang viral video ng Facebook user na si Yen Sy Rcns na naisipang isurpresa ang kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na isa umanong OFW si Yen na apat na taon nang hindi nakauwi sa Pilipinas dahil na rin sa pandemya.
Kaya naman sa kanyang pag-uwi, naisipan niyang bigyan ng surpresa ang pamilyang nasasabik na niyang makasama.
"Ako po ay isang OFW na nagtatrabaho sa bansang Qatar. Four years hindi po ako nakauwi dahil na din sa pandemic at nang mabigyan na ako ng flight details ng company ko, naisip ng kapatid ko na surpresahin namin yung mga magulang namin sa pag uwi ko. Niyaya niya 'yung mga magulang ko para kumain sa isang restaurant dito sa aming lungsod ng Mahayag. Nang nagsimula na sila kumain naisipan ko na ako 'yung magse-serve sa kanila ng dessert, habang nagsi-serve tinanong ng ate ko 'yung mama ko kung sinong nagse-serve sa kanya. unang tingin Hindi pa nya ako nakilala at nang pangalawang tingin doon na bumuhos ang luha at yakap ng isang magiting ina at ama. Hindi man minsan pinapakita nila ang pananabik at pagmamahal sa atin pero deep in their hearts," ani Yen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng video:
Kamakailan, hinangaan naman ang isang Filipina sa Canada na si Carmen dahil sa hindi niya pagtanggap ng $100 mula sa vlogger na mayroong nagawang social experiment sa kanya.
Nang mausisa siya ng 'What Motivated You,' doon nasabi niyang tubong Quezon province siya.
Siya ang breadwinner ng kanyang mga kapatid at maging ng tatlong anak. Dahil sa kanyang trabaho, napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga anak na ngayo'y kasama na rin umano niya sa Canada.
Marahil ay na-inspire ang naturang vlogger kaya naman pilit niyang inaabutan ng $100. Subalit mas lalo siyang humanga rito nang tumanggi si Carmen upang ibigay na lamang daw ng vlogger sa mas mahihirap ang kalagayan kaysa sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh