Brilliant Skin CEO, nagtatrabaho na sa edad na 12; naging boss na sa edad na 15
- Naikwento ng Brillian Skin CEO Glenda Dela Cruz ang maagang pagsisimula ng kanyang paghahanapbuhay
- Aniya, sa edad pa lamang na 12 tutok na siya sa paghahanap buhay bilang lola na lamang niya ang nagtataguyod sa kanilang magkapatid
- Sa edad na 13 to 15, naging team leader na siya ng online call center at walang nakakaalam ng kanyang tunay na edad
- Hanggang sa mapasok siya sa pagtitinda na naging daan para makilala niya ang magdadala pala sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapang na ibinahagi ng Brilliant Skin CEO na si Glenda Dela Cruz ang mga pinagdaanan mula pagkabata at isa na rito ay ang maaga niyang pagtatrabaho.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nakwento niyang sa murang edad na 12, naghanapbuhay siya bilang isang virtual assistant.
"I started working since when I was 12. Virtual assistant ako. Napasok ko yung work na yun dahil yun yung work ng mga kapitbahay namin. So at the age of 13 to 15, I became a call center team leader, naging marketing associate ako sa New York."
Hindi agad nalaman ng kanyang mga katrabaho ang kanyang tunay na edad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"And walang nagiging alam yung staff ko na 'yung boss na kausap nila was between 13 to 15 years old," kwento ni Glenda.
Subalit dumating din ang araw na may nakapagsumbong na sa kanilang boss at sinabing underage siya.
Ito naman ang naging daan para mapasok siya sa pagnenegosyo, partikular ang pagbibenta.
"And I was amazed kasi nakakotse siya. So ako syempre nu'n, ignorante parang wow, may kotse... Na-curious ako, sabi ko anong trabaho mo? Sabi niya, manager ako. Sabi ko ng ano? ng gawaan ng sabon"
At dahil mahilig mag-research si Glenda, nagpagawa siya ng pinakauna niyang sabon na ngayo'y lumago na at nagkaroon pa ng iba't ibang beauty products.
Narito ang kabuuan ng inspiring na kwento ni Glenda mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Glenda Dela Cruz ang CEO ng Brilliant Skin. Kamakailan, ginanap sa Araneta Coliseum ang kanyang 'Pinakamakinang concert' na dinaluhan din ng mga kilalang showbiz personalities.
Ilan sa mga ito ay sina Andrea Brillantes at Alden Richards. Gayundin ang YouTube content creator na si Zeinab Harake na isa sa mga endorsers ni Glenda sa matagumpay niyang negosyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh