Teacher na nakapasa sa LET matapos ang 25 na subok, nagsilbing inspirasyon sa marami
- Inspirasyon ang hatid ng isang Teacher na Aeta matapos itong makapasa na sa Licensure Examinations for Teachers sa ika-25 na subok
- Aniya, talagang napasigaw siya at napatalon sa tuwa nang makumpirmang lisensyadong teacher na siya
- 1990 pa nang una siyang sumubok sa naturang eksaminasyon subalit hindi siya pinalad
- Ang nakamamangha sa kanya, hindi niya sinukuan ang pagkamit ng lisensya at hindi nga siya nabigo kahit sa ika-25 na pagkakataon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tunay na marami ang namangha at na-ispire sa kwento ni Teacher Gennie na sa ika-25 subok niya sa pagkuha ng Licensure Examination for Teachers ay nakapasa na rin umano siya.
Nalaman ng KAMI na taong 1990 pa nang sumubok sa nasabing eksaminasyon si Teacher Gennie. Layunin niya kasi talagang makatulong sa mga kapwa niya mga Aeta kaya ganoon na lamang ang pagpupursige niya na maging lisensyadong teacher.
Gayunpaman, mayroon naman nang Master's Degree sa Filipino si Teacher Gennie sa University of St. Lasalle Bacolod at may PhD na rin siya in Teaching and Management na kanyang nakamit noong taong 2021.
At noong Oktubre 2022, isa na nga si Teacher Gennie sa mga pinalad na nakapasa sa LET.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Tumalon ako no’n, sumigaw, at umiyak nang marinig ko sa bawat tumatawag na ‘you deserve that license.’ Sa loob ng napakahabang panahon at sa wakas ay nakuha ko ang aking pinakamimithing lisensya. Lahat ng ito ay dahil sa tulong at gabay ng ating Panginoong Diyos, sa mga taong naging inspirasyon ko, aking mga anak, at pamilya,” pahayag ni Teacher Gennie sa panayam sa kanya ng DepEd Philippines.
Sa pagbabalik eskwelahan nga ng mga bata buhat nang magpandemya, kanya-kanyang gimik din ang mga teachers tulad ni Teacher Gennie para lamang masigurong masaya ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral. Isa na rito ang kakaibang paraan ng pag-aattendance kung saan sa halip na 'present' ang sasabihin, 'Darna' sinasabi ng bata para malaman ng teacher na naroon siya.
Gayunpaman, may ilang tila hirap pa rin sa pagbabalik paaralan ng mga bata lalo na iyong mga magulang na labis na naapektuhan ng pandemya. Isa na rito ang nag-viral na liham ng isang magulang na ibinahagi ng teacher.
Source: KAMI.com.gh