Misis, labis ang hinagpis nang pumanaw ang mister isang araw matapos silang ikasal

Misis, labis ang hinagpis nang pumanaw ang mister isang araw matapos silang ikasal

- Labis ang hinagpis ng misis matapos pumanaw ng mister isang araw matapos silang ikasal

- Aniya, napakasakit na matapos pirmahan ang kanilang marriage certificate, kinabukasan ay death certificate naman ang pinirmahan nito

- Ibinahagi pa rin niya ang masasayang mga kaganapan sa kanilang pag-iisang dibdib na naganap noong Disyembre 15

- Bumuhos naman ang pakikiramay sa kanya sa biglaang pagkawala ng mister lalo na at ito sana ang unang Pasko nila bilang mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis ang kalungkutan na nadarama ni Aj Jallorina matapos na pumanaw ng mister na si James Steven Chong isang araw matapos silang ikasal.

Misis, labis ang hinagpis nang pumanaw ang mister isang araw matapos silang ikasal
Aj Jallorina at James Steven Chong (Aj Jallorina)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI ikinasal sina AJ at James noong Disyembre 15 subalit sa kasamaang palad, binawian ng buhay si James noong Disyembre 16.

"Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo," ani Aj na masayang pumirma ng marriage certificate nila subalit isang araw lamang ang pagitan, death certificate naman ng kanyang asawa ang pinipirmahan.

Read also

RR Enriquez sa umano'y isyu nina Matet at Nora Aunor: "Magtatampo talaga ako"

"From congratulations to condolences," ang isa sa masaklap na bungad ng kanyang madamdaming post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inulan ng pagdadalamhati at pakikiramay ang post na ito ni AJ kung saan ibinahagi rin niya ang masayang wedding photo nila ng namayapa nang si James.

Narito ang kabuuan ng post:

Sa kabila ng nakalulungkot na kwentong ito nina AJ at James, mayroon din naman tila sinuwerte at tila naka-jackpot sa kanilang kasalan at naging instant milyonaryo.

Nag-viral din kamakailan ang kasalan nina Leziel at Julius Perea kung saan umabot sa Php1.8 million ang halaga ng mga natanggap nilang cash gift mula sa kanilang mga bisita. Kasama na rito ang isang milyong piso na mula naman sa kanilang mga magulang.

Hindi nalalayo ang kwento nina Leziel at Julius sa noo'y ikinasal sa Valenzuela City na sina Joven at May Jean Acosta nang makatanggap din sila ng Php1.2 million mula naman sa kanilang prosperity dance.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"

Samantala, hinangaan din kamakailan ang bagong kasal na Php3,000 lang ang nagastos sa reception dahil minabuti nila itong ganapin sa Mang Inasal. Gayundin ang isang bride na dahil ayaw na ng magarbong kasalan, niregaluhan na lang siya ng lupain na may sukat na 6000 sqm na lote ng kanyang napangasawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel