Teacher, kinagiliwan sa kakaibang pagkuha ng attendance sa klase
- Kinagiliwan ang isang teacher na kakaiba ang pagkuha ng attendance sa kanyang mga estudyante
- Sa halip na present, 'Darna' ang isinisigaw ng mga bata na aliw na aliw sa bago pa man magsimula ang kanilang klase
- Maririnig ang tawanan ng klase dahil sa nakatutuwang pagbigkas nila ng 'Darna'
- Mabilis na pumalo ang views ng naturang post sa mahigit na 12.5 million views
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Viral ngayon online ang kakaibang paraan ng gurong si Miss Joanne ng pagkuha niya ng attendance ng kanyang mga estudyante.
Nalaman ng KAMI na sa halip na sabihing "present", "Darna" ang pinasisigaw ni Teacher Joanne.
Tila nagpagandahan ng pagbigkas ng 'Darna' ang mga estudyante, mapalalake man o babae ang tinatawag.
Maririnig din ang masasayang tawanan ng mga estudyante na bago pa man mag-umpisa ang araw nila sa paaralan ay aliw na aliw na sila sa pambungad na gawain.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, maging ang mga netizens ay labis na naaaliw sa naisipang gawin ni Teacher Joanne. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ang kulit. Kung ganito ba naman yung adviser namin dati edi sana hindi ko na tinulugan"
"Magandang pangsimula ito ng class. Buhay na buhay ang mga estudyante"
"This is so cool! Si Ma'am, fan yata ni Darna"
"Very Good ka teacher! Edi alive na alive ang mga bagets pag nagklase ka na mismo.
Pumalo sa nasa 12..5 million views ang nakaaaliw na post na ito ni Teacher Joanne. Narito ang video na ibinahagi rin ng Balisong Channel:
Noong Agosto 22 ng kasalukuyang taon, nagbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.
Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa ng face to face classes, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante.
Katunayan, ilang mga lungsod na ang nagpatupad ng in-person classes. Habang ang iba naman ay naka-online classes parin at minsan sa isang linggo ay pinapapasok din ng paaralan para mas mapaliwanagan ng teacher at makasalamuha rin ang kanilang mga kamag-aral.
Gayunpaman, sa kabila ng matagumpay na pagsasagawa ng in-person classes, naharap muli sa kontrobersiya ang Kagawaran ng Edukasyon sa umano'y teacher na napagsalitaan ng 'di maganda ang kanyang estudyante.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh