Mister sa viral na mag-asawang sabay na nagtapos ng elementary, papag-aralin pa ng Eat Bulaga

Mister sa viral na mag-asawang sabay na nagtapos ng elementary, papag-aralin pa ng Eat Bulaga

- Naluha sa tuwa si Gary, ang mister sa nag-viral kamakailan na mag-asawang sabay na nakatapos ng elementary

- Ikinuwento niya ang kanyang buhay at kung paano na ang kanyang teacher ang naging daan para siya'y makatapos

- Labis na naantig ang mga Darabarkads na nagdesisyong papag-aralin si Gary hanggang sa ito ay makatapos

- Ito ay upang magsilbing inspirasyon din si Gary sa kanyang mga anak na siyang dahilan kung bakit siya labis na nagsusumikap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng Eat Bulaga dabarkads ang kwento ni Gary, ang mister sa nag-viral kamakailan na mag-asawang sabay na nakatapos ng elementary sa Cebu sa pamamagitan ng Alternative Learning System.

Mister sa viral na mag-asawang sabay na nagtapos ng elementary, papag-aralin pa ng Eat Bulaga
Allan K at Gary (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging panauhin si Gary ng Bawal Judgmental ng nasabing programa.

Sinamahan siya ng kanyang naging teacher na si Roque Geoffrey Villahermos. Isinalaysay ni Teacher Geoffrey ang sakripisyo ni Gary, makamtan lang ang pangarap na makatapos manlang ng elementarya.

Read also

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

Sa kabila ng pag-aaral, kinakailangan din na maghanapbuhay ni Gary para may makain ang kanyang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kahit siya ay gumagawa ng hallow blocks, para pambili po ng pagkain, so isa 'yun sa mga hanapbuhay niya. At marami pa po siyang hanap buhay, humahanap po siya ng mga damo para pakain po sa mga hayop at ibinibenta niya sa kanyang mga kapitbahay," kwento ni Teacher Gary.

Gustuhin man sanang ipagpatuloy ni Gary ang pag-aaral, sadyang ilap ang pera sa kanila kaya't nagdesisyon na sana siyang hindi na mag-junior high school.

"Dahil gusto ko pong madagdagan ang aking kaalaman po, kasi balak ko po noon makapagtapos ng pag-aaral kahit elementarya lang po," emosyonal na nasambit ni Gary.

"Kung ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko, wala namang maghahanapbuhay sa aking pamilya," paliwanag naman niya nang tanungin kung nais pa niyang ituloy ang nasimulan nang pag-aaral.

Read also

Viral na dalagita sa unicycle, 30-45 minutong pumapadyak pauwi mula paaralan

Dahil dito, naisipan ng EB Dabarkads na tulungan si Gary na maipagpatuloy ang pag-aaral hanggang siya ay makapagtapos lalo na at academic achiever ito.

"Gary, pinakinggan tayo ng Eat Bulaga... Gusto naming makita kang guma-graduate ng Junior HS at kung ano pa mang gusto mong tapusin," ani Allan K.

"Gusto naming tumibay pa 'yung paniniwala mo sa sarili mo. Gusto namin 'yung mga anak mo lalaki silang ginagalang ka. Gagawin ka nilang ehemplo na si Tatay namin, nag-aral, nag-graduate, kahit mahirap 'yung sitwasyon ng buhay namin," dagdag pa ni Allan.

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest running noontime show sa bansa. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey." Sa ngayon patuloy pa rin ang pamamayagpag nila sa ere tuwing tanghali kasama ng ilang mga bago nilang Dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.

Read also

Lotlot de Leon, nag-post ng picture ng inang si Nora Aunor

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica