Jonalyn Galleno, hiling na matanggap at irespeto ng mga tao ang resulta ng imbestigasyon

Jonalyn Galleno, hiling na matanggap at irespeto ng mga tao ang resulta ng imbestigasyon

- Sa post ni Jonalyn Galleno, hiniling nila sa publiko na irespeto na lamang ang resulta ng isinagawang imbestigasyon

- Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong nagbigay ng suporta sa kanilang pamilya sa kanilang pinagdaanan

- Hindi man umano katanggap-tanggap ang resulta ay sana irespeto na lang ng mga tao dahil naniniwala umano silang ginawa ng otoridad ang tama upang maimbestigahan ang kaso

- Aniya, hindi titigil ang kanilang pamilya hanggang makamit ni Jovelyn Galleno ang hustisya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jonalyn Galleno, nagpapasalamat sila sa lahat ng mga taong nakiramay sa kanila at umaasang buhay pa ang kapatid niyang si Jovelyn Galleno. Gayunpaman, hiniling nila sa publiko na irespeto na lamang ang resulta ng isinagawang imbestigasyon.

Jonalyn Galleno, hiling na matanggap at irespeto ng mga tao ang resulta ng imbestigasyon
Jonalyn Galleno, hiling na matanggap at irespeto ng mga tao ang resulta ng imbestigasyon (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Aniya, hindi man katanggap tanggap ang naging resulta ay naniniwala silang ginawa ng otoridad ang nararapat sa pag imbestigang ginawa nila. Iginiit niya din na hindi pa rin sila titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jovelyn.

Read also

Ryza Cenon, binahaging naayos na ang problema sa water bill na umabot ng P120,000

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa pakikipag-usap ni Leobert kay Senator Raffy Tulfo, naibahagi nito ang aniya ay ginawa sa kanya nang sumuko siya dahil sa pananaksak niya sa pinsang si Jovert Valdestamon. Pinuntahan daw siya ng mga tao na hindi niya kilala at tinanong siya kung may abogado na daw ba siya. Isang pulis umano ang nagsabi sa kanya kung gusto niya ng pera at sinabihan daw siya na makipagtulungan sa kanila. Kasunod umano nito ay sinaktan na siya ng mga taong naka-sibilyan habang nakaharap ang pulis na kanyang pinangalanan.

Sumailalim na sa polygraph o lie detector test ang tinuturong salarin sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas. Pinakita ng NBI ang ginawang paghahanda sa polygraph test. Matatandaang mismong si Leobert ang humiling ng naturang test para mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi hinggil sa umano'y pang-to-torture sa kanya. Nauna na ring sinabi ni Senator Raffy Tulfo na magsasagawa sila ng independent polygraph test.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate