Fish vendor na isang kamay lang ang naigagalaw, umantig sa puso ng marami
- Umani ng papuri ang isang fish vendor sa Quezon na matiyagang nagtitinda kahit isang kamay lang ang naigagalaw
- Makikitang naglilinis pa ito ng nilalakong isda at maayos din na naisisilid sa lalagyan
- Ayon sa uploader, napabilib siya sa ipag ng vendor na tila ginagawa umano ito para sa kanyang pamilya
- Magsilbing inspirasyon ito sa marami na lalo dapat pagsipagan ang pagbabanat ng buto lalo naman kung walang iniindang karamdaman o anumang pagkukulang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umantig sa puso ng marami ang viral TikTok video ng public school teacher na si Bernard patungkol sa fish vendor sa Gumaca, Quezon.
Nalaman ng KAMI na sa naturang video, makikitang isang kamay nalamang ang naigagalaw ng fish vendor na masigasig pa rin na naglilinis ng panindang isda.
Naantig din umano ang uploader ng video gayung maaga siyang nawalan ng ama at labis niyang hinahangaan ang kasipagan ng fish vendor para patuloy pa rin na makatulong sa pamilya.
"Kumusta naman 'yung mga nakahilata lang sa bahay? Salute ako kay Tatay, kahit na-stroke siya, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho," ang caption sa TikTok video.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Sobrang nakaka touch kasi, maagap po ako nawalan ng ama. Mula nung 3 years old palang ako wala na akong ama. Atsaka habang bumibili ako nakita ko talaga ang sipag niya sa pagbebenta," pahayag ni Bernard sa panayam sa kanya ng Pilipino Star.
Magsilbing inspirasyon nawa ito sa marami lalo na iyong wala namang kakulangan o iniindang karamdaman na sipagin pa dapat ang paghahanapbuhay. Tulad ng fish vendor, sa kabila ng hirap na isa na lamang kamay ang naigagalaw niya, at patuloy pa rin siya sa pagharap sa pagsubok ng buhay.
Narito ang video na ibinahagi rin ng Manawari Vlog:
Kamakailan ay nag-viral din ang larawan ng isang lalaking nanghihingi ng tig lilimang piso na ipinambibili niya ng mga krayola.
Umantig sa puso ng maraming netizens ang kwento ni Christopher Francisco ng Balete, Aklan na nakamamanghang nakapag-donate ng 80 boxes ng Crayola sa Calizo Elementary School.
Aniya, laking gulat nila nang dumating ito sa kanilang paaralan na may dalang sako. Nang ilabas nito ang laman, 80 mga kahon ng pangkulay ang inihanay pa nito sa mesa at para raw ito sa mga estudyanteng nangangailangan nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh