Teacher sa Laguna, naglagay ng 'classroom pantry' para sa mga batang walang baon

Teacher sa Laguna, naglagay ng 'classroom pantry' para sa mga batang walang baon

- Nagmalasakit ang isang teacher sa Calamba, Laguna na maglagay ng Classroom pantry sa kanilang paaralan

- Ito ay para umano sa mga batang walang baon at para na rin ganahan sila sa pagbabalik paaralan

- Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, nakapamili sila ng mga ilalagay sa pantry kung saan maaring kumuha ng libre ang mga bata lalo na iyong walang baon

- Siya rin mismo kasi ay nakaranas na pumasok na kumakalam ang tiyan kaya ayaw niyang danasin ito ng kanyang mga estudyante

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga ang naisipang gawin ng gurong si Christian Obo na naglagay ng Classroom Pantry sa kanilang paaralan sa Calamba, Laguna.

Teacher sa Laguna, naglagay ng 'classroom pantry' para sa mga batang walang baon
Ang classroom pantry ni teacher Christian (Christian Obo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pagbubukas ng mga paaralan para sa panuruang taon 2022-2023, nagawa ni Teacher Christian na maglagay ng munting pantry sa kanilang paaralan kung saan makakakuha ng libreng pagkain ang mga batang walang baon.

Read also

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone”

Base na rin sa kanyang sariling karansan noong siya'y nag-aaral pa, isa rin siya sa mga batang minsa'y walang baon o hindi nakakakain bago pumasok sa paaralan.

"When I was in elementary, I experienced na pumapasok nang walang baon hanggang high school ganu'n din. Kaya sabi ko ngayong may kakayahan na ako, ngayong teacher na ako, ayaw ko na ma-experience ng mga estudyante ko ang ganun," pahayag ni Teacher Christian sa panayam sa kanya ng Philippine Star.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mahirap umanong mag-aral nang walang laman ang tiyan kaya naman sa kanyang munting paraan, nakapagbibigay siya ngayon ng tulong sa mga mag-aaral na pumapasok na kumakalam ang sikmura.

Noong Lunes, Agosto 22 nang magbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.

Read also

Cristy sa mga duda sa sakit ni Kris: "Kita naman po ang pruweba"

Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022.

At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa nito, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante mula kindergarten hanggang kolehiyo.

Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga safety protocols tulad ng pagsusuot pa rin ng face mask at palagiang pagdi-disinfect ng kamay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: