NBI, tuloy pa rin ang pagsasagawa ng DNA testing kaugnay sa kaso ni Jovelyn Galleno
- Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng DNA testing ng National Bureau of Investigation upang magbigay linaw sa tinatakbo ng kanilang imbestigasyon sa Jovelyn Galleno case
- Hinihintay na lang umano ang eksperto mula sa Maynila para sa kanilang pagpapatuloy ng DNA examination
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Naibahagi ni special investigator III Cedric Caabay sa panayam ng 103.1 Brigada News FM - Palawan na iba naman ang laboratory nila mula sa kung saan isinagawa ang DNA test ng PNP
- Aniya, sa pagkakaalam niya ay hindi talaga nadadaya ang DNA testing pwera na lang kung sinadya talaga na manipulahin ang resulta
Sa panayam kay special investigator III Cedric Caabay ng 103.1 Brigada News FM - Palawan, sinabi nito na tuloy pa rin ang kanilang DNA test matapos ang paglabas ng resulta ng DNA testing ng PNP. Kung sakali umanong iba ang magiging resulta ng kanilang test ay magsasagawa sila ng mas malalim na imbestigasyon.
Ani Caabay, makikipag-coordinate sila sa SOCO para sa kanilang pag-iimbistiga. Hindi naman niya masabi sa kasalukuyan kung ilang araw aabutin ang resulta ng DNA examination nila.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Base sa isang post ng Radyo Bandera Philippines, may isang business establishment na matatagpuan sa Brgy. Tagburos ang nagbigay ng karagdagang CCTV footage na magpapatunay na nakasakay sa multicab ang dalaga.
Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh