Ilang teachers sa Agusan, buwis buhay sa pagpunta sa tinuturuang paaralan
- Ibinahagi ng ilang teachers sa Agusan del Sur ang tindi ng kanilang sakripsyo makarating lang sa pinagtuturuang paaralan
- Mula sa pag-akyat sa bundok, pagsakay sa motorsiklo sa loob ng dalawang oras ay kanilang kinakaya
- Kasama na rin dito ang buwis-buhay na pagtawid nila ng ilog na ginagawa na pala nila sa loob ng limang taon
- Nito lamang Agosto 22 nang magsimula ang pagbabalik in-person classes ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ng ilang mga teacher sa Maliwanag Elementary School sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur ang tindi ng sakripisyong ginagawa nila sa pagbabalik paaralan ng mga bata noong Agosto 22.
Nalaman ng KAMI na masasabing buwis buhay ang ginagawa nina Teacher Janel Llanos at kanyang mga kasama bago makarating sa kanilang paaralan.
May anim na kilometrong layo ang inaakyat nilang bundok. Sumunod naman ang pagbiyahe nila sa motorsiklo sa loob ng dalawang oras. At ang pinakamapanganib sa lahat ay ang pagtawid nila ng ilog bago marating ang paaralan.
Dahil dito, aminado silang hindi nakakauwi ng madalas sa kanilang mga pamilya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Napakalayo ng paaralan at grabe kamahal ang pamasahe. Nakakapagod at napakahirap dahil hindi mabiyahe nang dirediretso ng motorsiklo ang school mismo," pahayag ni Llanas sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.
Subalit lahat umano ng sakripisyo nilang ito ay nasusuklian kapag nakita na nila ang kanilang mga inspirasyon at ito ay ang kanilang mga estudyante.
Kaya naman kahit na mahirap at masasabing delikado ang kanilang biyahe, tumagal pa rin sila ng limang buwan sa pagtuturo sa nasabing paaralan.
Nito lamang Agosto 22 nang magsimula ang pagbabalik klase ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan. Karamihan sa mga paaralan ay nagsasagawa na ng in-person classes kaya naman marami na ang nagbalik paaralan.
Samantala, tulad nina teacher Janel, matatandaang ilang teachers din ang labis ang ginawang sakripsiyo makapaghatid lang ng learning modules sa mga mag-aaral noong kasagsagan ng pandemya. Dahilan sa hindi maaring makapasok noon sa paaralan, ang mga teacher ang naghahatid ng learning modules gaano man kalayo ang kanilang mga mag-aaral. Ang ilan, gumagamit ng salbabida sa paghahatid nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh