Delivery rider, nasita sa pag-aakalang taong walang helmet ang ide-deliver nitong mannequin

Delivery rider, nasita sa pag-aakalang taong walang helmet ang ide-deliver nitong mannequin

- Viral ang isang post tungkol sa pagsita ng mga traffic enforcer sa isang delivery rider sa Palawan

- Inakala kasing taong walang helmet ang idi-deliver nitong mannequin na naka-angkas sa kanya

- Ayon sa rider, hindi niya alam paano isasakay ang mannequin kaya naisipan niyang paupuin ito sa likod niya na animo'y tao

- Hinangaan at umano naman ng papuri ang mga enforcer sa pagiging alerto nito sa pagsita sa mga posibleng violation sa kalye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena sa social media ang isang post kung saan makikitang nasita ng ilang traffic enforcer ang isang delivery rider sa Palawan.

Delivery rider, nasita sa pag-aakalang taong walang helmet ang idi-deliver nitong mannequin
Photo from Just Ride Palawan
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inakala umano ng mga enforcer na ang mannequin na siyang ide-deliver ng rider ay isang taong walang helmet.

Ayon sa ulat ng GMA News, hindi alam ng rider kung paano dadalhin ang mannequin na kanyang idi-deliver. Kaya naisipan niyang i-angkas ito na parang tao lalo na at may damit naman ito at nakasuot pa ng sumbrero.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Sa malayo nga nama'y aakalaing tao ang mannequin ngunit sa malapitan, makikitang iba rin ang pagkakaupo nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, umani naman ng papuri ang mga enforcer na alisto at alerto sa mga posibleng maging violation sa batas trapiko.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Oo nga naman, aakalain mo nga naman na tao. Pero naisipan pa rin ng paraan ni kuya paano ito maideliver"
"Very good ang enforcers, alerto sa kanilang trabaho"
"In fairness may sumbrero pa 'yung mannequin pero helmet dapat"
"Naisip ko ano kaya reaksyon ng mga enforcer. Natawa siguro pero they're doing their job ah"

Samantala, kamakailan ay nag-viral din ang delivery rider na si Francis Jan Ax Valerio na naka-graduate na ng kolehiyo matapos na mag-viral at hangaan ito noong 2020.

Matatandaang si Ax ay umantig sa puso ng netizens dahil sa pagsasabay niya ng pag-aaral habang nagtatrabaho.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Sinabi niyang kinailangan niya itong gawin dahil na-stroke ang kanyang ama nito lamang Hulyo.

Ang kanyang ina na isang government employee ay hindi rin makapagtrabaho dahil ito ang nagbabantay sa ama.

Bukod kay Francis, may isa pa siyang grade 10 student na kapatid na kailangan din niyang suportahan.

At makalipas nga ang dalawang taon, dala na rin ng patuloy niyang pag-raket, nakatapos siya sa kursong communications na may latin honors.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica