Single mom na nagnakaw daw ng balloons para sa birthday ng anak, umani ng simpatya

Single mom na nagnakaw daw ng balloons para sa birthday ng anak, umani ng simpatya

- Isang single mom ang nahuling nagnakaw umano ng lobo, gatas at mantika para sana sa kaarawan ng kanyang anak

- Nahuli umano ang single mom sa salang pagnanakaw sa Ocogon Market, Cagayan de Oro

- Ayon umano sa kanya, isa siyang single mom at nais lamang niyang mabigyan ng birthday party ang anak

- Marami ang naantig sa kwentong ito ng naturang single mom at sa katunayan ay marami sa netizens ang naghayag ng kagustuhan nilang matulungan ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naantig sa single mom na nahuling nagnakaw ng lobo, gatas at mantika para sana sa kaarawan ng kanyang anak. Aniya, nais lamang sana niyang mabigyan ng birthday party ang anak.

Single mom na nagnakaw ng balloons para sa birthday ng anak, umani ng simpatya
Single mom na nagnakaw ng balloons para sa birthday ng anak, umani ng simpatya (facebook.com/1057bnfmpagadian/)
Source: Facebook

Ayon sa post ng iFM Davao, umabot na sa mahigit 7,000 ang nalikom mula sa mga netizens na nais tumulong sa babaeng hindi mapigilan ang kanyang pag-iyak.

Read also

Vice Ganda, nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa pangarap at pagdadasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa post naman ng 105.7 Brigada News Fm Pagadian, hindi na magkakaso ang pamunuan ng tindahan kung mababayaran nito ang 10x na presyo ng mga bagay na kanyang kinuha.

Marami ang naantig sa kwentong ito at sa katunayan, maging ang TikToker na si Rosmar Tan ay naghayag ng kanyang pagnanais na bayaran ang piyansa para makalaya ang single mom.

Sa pag-viral ng kwentong ito ng single mom, marami sa mga netizens ang naantig at naawa sa kalagayan ng babae sa kabila ng kanyang nagawang mali. Mayroong mga nangatwiran na malamang ay wala nang ibang maisip na paraan ang ina para maipagdiwang lang at mapasaya ang kanyang anak.

Matatandaang arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagnakaw ng gatas at diaper sa isang grocery store. Naganap ang nasabing pagnanakaw sa Taguig City. Nahuli siya matapos lumabas sa nasabing grocery store at walang maipakitang resibo sa lahat ng kanyang bitbit na grocery items. Umabot sa halagang P3,500 ang grocery items ang kabuuan ng lahat ng nakuha ng lalaki.

Read also

Driver ng nasawing ex-Lamitan mayor Rose Furigay sa Ateneo shoot-out, aminadong 'di makatulog

Marami rin ang naantig sa kwento ng isang 80-anyos na lolo na umano'y kinasuhan ng pagnanakaw. Tinatayang hindi aabot sa sampong kilo ang manggang kanyang nakuha sa pag-aakalang pagmamay-ari niya ang mangga na siya mismo umano ang nagtanim. Gayunpaman, nasakop na ito at nabakuran kaya minabuti na lamang niyang makiusap at makipagsundo ngunit ayaw umanong tanggapin ng nagkaso ang kanyang bayad. Ang korte ay may ipinataw na piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel