Liham ng suspek sa Ateneo shoot-out, sinabing hindi siya masamang tao

Liham ng suspek sa Ateneo shoot-out, sinabing hindi siya masamang tao

- Isang liham ang inilabas kung saan nasabi ng suspek ng Ateneo shoot-out ang kanyang saloobin

- Sinabi niyang hindi naman siya umanong masamang tao at siya ay nasagad lamang

- Nais lamang daw niyang gumamot ng tao bilang doktor ngunit siya umano ay naapi

- Nabanggit din niya sa liham na ilang beses umanong pinagtangkaan ang kanyang buhay ng mga Furigay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang liham ang naisapubliko na ngayon kung saan makikita ang isang liham ni Chao-Tiao Yumol, ang umano'y sispek ng Ateneo shoot-out kamakailan.

Liham ng suspek sa Ateneo shoot-out, sinabing hindi siya masamang tao
Photo: Chao-Tiao Yumol
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa naturang sulat, sinabi ni Yumol na hindi umano siya masamang tao.

"Mga Kababayan, hindi ako masamang tao, gusto ko lang gumamot ng tao pero sinagad ako," bungad ni Yumol sa kanyang liham.

Aniya, sinagad siya ng mapang-aping sistema ng batas at nagamit umano ang batas na cyberlibel.

Read also

Bayani Agbayani, trending dahil sa dasal: "Huwag Niyo po kaming hayaang maging hambog"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naturang liham din niya nabanggit ang umano'y ilang beses na pagtatangka sa buhay niya ng pamilya Furigay.

Samantala, ayon naman sa kampo ng mga Furigay, walang tigil ang umano'y pagkakalat ng malisyong impormasyon ni Yumol ukol sa kanila.

Mapapanood ang kabuuan ng video maging ang CCTV footage na inilbas ng QCPD ibinahaging post ng GMA News.

Agad na naaresto ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out noong, Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.

Isa umanong doktor ang suspek na nakilalang si Chiao Tiao Yumol na mula sa Lamitan Basilan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umamin umano ang suspek na personal ang motibo ng kanyang pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita "Rose" Furigay na nasampahan umano siya ng 56 counts ng cyberlibel.

Read also

Lending agency na umano'y namamahiya ng mga hindi nakakabayad, sinalakay ng PNP

Tatlo ang kumpirmadong patay kasama ang target ng suspek na si dating Lamitan Mayor Rose Fumigay, ang executive assistant nitong si Victor Capistrano at ang security guard na rumesponde sa insidente na si Jeneven Bandiala. Sugatan naman anak ng dating alkalde ng Lamitan na si Hannah.

Dahil sa mga saksi at agarang pagresponde ng mga pulisya agad na nahuli ang suspek na nagtangkang tumakas at kasalukuyang nakakulong sa Camp Karingal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica