Bayani Agbayani, trending dahil sa dasal: "Huwag Niyo po kaming hayaang maging hambog"

Bayani Agbayani, trending dahil sa dasal: "Huwag Niyo po kaming hayaang maging hambog"

- Si Bayani Agabayani ang namuno sa dasal sa pagtatapos ng episode ng Tropang Lol ngayong araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Bahagi ng kanyang dasal ay ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa umano'y pagbibigay sa kanila ng pagiging mapagkumbaba

- Hiling niya na huwag silang hahayaang umano'y maging hambog o mayabang

- Hindi naman ito nakaligtas sa mga netizens at ilan sa mga tweet ay umalma sa umano'y pasaring ni Bayani

Sa dasal ni Bayani Agbayani sa pagtatapos ng episode ngayong araw ng Tropang Lol, nagpasamalat siya sa "humility" at mapagmahal na puso. Hiling niya na huwag silang hahayaang umano'y maging hambog o mayabang.

Bayani Agbayani, trending dahil sa dasal: "Huwag nyo po kaming hayaang maging hambog"
Bayani Agbayani, trending dahil sa dasal: "Huwag nyo po kaming hayaang maging hambog" (@bayaniagbayani)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad namang napansin ng mga netizens ang dasal na ito ni Bayani. Matatandaang ilang araw nang naging usap-usapan ang komedyante dahil sa kanyang mga naging pahayag sa kanilang show.

Read also

Liham ng suspek sa Ateneo shoot-out, sinabing hindi siya masamang tao

Matatandaang nag-trending si Bayani kamakailan matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang naging pahayag sa noontime show na Tropang Lol kung saan nabanggit niya sa kanyang pagbati sa staff at direktor ng show dahil umano hindi sila nag-oovertime.

Si Bayani Agbayani ay unang sumikat at nakilala sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan. Ilan sa mga pumatok niyang awitin ay "Otso-Otso" at "Atras-Abante" noong 2003. Bumalik siya sa kanyang orihinal na TV Station na GMA 7 matapos ang mahigit 15 taon mula nang lumipat siya sa ABS-CBN 2 noong 1996. Sa kasalukuyan ay napapanood naman siya sa TV5.

Matatandaang naibahagi ni Bayani ang isang video na kanyang pinamagatang Uutangan o Ililibre. Sa nasabing video ay sasabihin ni Bayani kung uutangan niya ba o ililibre ang bawat personalidad na babanggitin sa kanya. Nabanggit ni Bayani na uutangan niya si Sharon Cuneta dahil sa ubod naman daw ito ng yaman. Dito na nakwento ni Bayani ang tungkol sa pagbigay sa kanya ni Ate Shawie ng tatlong branded na sapatos.

Read also

Rica Peralejo, binahagi ang kanilang "life without kasambahay for a week"

Masaya din umano siya na mapabahagi ang kanyang anak sa pamilya nina Bea Alonzo. Masaya umano siyang napabilang sa isang mabait na pamilya ang anak na napangasawa ang nakababatang kapatid ni Bea. Ikinuwento din ni Bayani ang kanyang natuklasang taglay na kabaitan ni Bea pagdating sa kanyang pamilya. Inuuna umano ng aktres ang tulungan ang mga kamag-anak lalo na yung mga walang gaanong kaya sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel