Rica Peralejo, binahagi ang kanilang "life without kasambahay for a week"

Rica Peralejo, binahagi ang kanilang "life without kasambahay for a week"

- Sa isang vlog episode ni Rica Peralejo, pinakita niya ang kanilang naging kalagayan matapos magbakasyon ang kanilang kasambahay

- Isang linggo itong wala sa kanila dahil umuwi ito sa anak na nagtapos sa Grade 6

- Nilinaw ni Rica na may mga panahong hindi talaga niya naayos ang bahay nila kagaya sa mga nakikitang ayos nito sa kanyang house tour videos

- Inamin niyang may mga bagay talagang hindi na niya naasekaso lalo kapag wala ang kanilang kasambahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Rica Peralejo na hindi madali para sa kanila kapag walang kasambahay. Sa isang vlog episode, pinakita niya ang kanilang naging kalagayan matapos magbakasyon ang kanilang kasambahay nang sang linggo dahil umuwi para sa graduation ng anak.

Rica Peralejo, binahagi ang kanilang "life without kasambahay for a week"
Rica Peralejo, binahagi ang kanilang "life without kasambahay for a week" (@ricaperalejo)
Source: Instagram

Isa-isang pinakita ni Rica ang naging ayos ng bahay nila matapos maglaro ang kanyang mga anak. Aniya, hindi naman palaging maayos ang bahay nila lalo na kapag wala ang kanilang kasambahay.

Hindi umano sapat ang oras para sa kanilang mag-asawa na gawin ang mga bagay-bagay lalo at parehas silang nagtatrabaho at parehas na aktibo ang kanilang dalawang anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsimula si Rica Peralejo sa pag-aartista sa pamamagitan ng Ang TV. Naging bahagi din siya ng Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahpn din silang wwalang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanilang ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong iparenovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pinarenovate na bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel