Lola, naglako muna ng suman para may maibigay sa vlogger na nagkunwaring walang gas

Lola, naglako muna ng suman para may maibigay sa vlogger na nagkunwaring walang gas

- Umantig sa puso ng marami video ng vlogger na nabigyan ng suman ng isang lola na naglalako nito

- Imbis na pabayaran, ibinigay na lamang ng lola ang dalawang suman na maari pa sana niyang pagkakitaan

- Dahil sa kabaitan nito, binigyan siya ng vlogger ng dalawang libong piso

- Nang muli silang nagkita, dalawang sakong bigas naman ang dala ng vlogger na noo'y nagpanggap na naubusan ng pera na pang-gasolina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naantig ang puso sa naibahagi ng vlogger na si Deng Danupan TV tungkol kay Lola Maria na kanyang unang nakilala noong Marso.

Lola, naglako muna ng suman para may maibigay sa vlogger na nagkunwaring walang gas
Si Loka Maria (Photo from Deng Danupan TV)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bibili raw sana ang vlogger ng lakong suman ni Lola Maria ngunit laking gulat nito nang hindi na ito pinabayaran sa kanya.

Dahil dito, sinundan muli niya ang matanda para abutan ng Php2,000.

Read also

Rica Peralejo, binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong 'failed pregnancy'

Natanong din ni Deng kung bakit naglalako pa rin ang lola sa edad niyang 75-anyos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahit daw kasi anim ang kanyang mga anak, may kanya-kanya na raw itong mga pamilya at hindi na raw siya naaalala pang bigyan. Kaya naman siya mismo ang dumidiskarte ng kanyang pagkakakitaan upang may kainin sa araw-araw.

Dahil dito, kapag may oras si Deng, binibisi-bisita pa rin niya si Lola Maria.

At nito lamang Hulyo 18 mas lalo na naman siyang pinabilib ni Lola Maria na nakuha pang maglako muna may maibigay lang sa kanya.

Nagkunwari kasi siyang nanghihiram ng dalawang daang piso gayung nawalan siya kunwari ng pang-gasolina sa kanyang motor.

Laking gulat ni Deng nang magtungo muna ang lola sa kanyang suki at naglako ng suman saka nag-abot ng pera sa vlogger.

Read also

Rica Peralejo, binahagi ang kanilang "life without kasambahay for a week"

Lalong natunaw ang puso ng vlogger na noo'y nakahanda na rin ang dalawang sakong bigas na bigay niya kay Lola Maria pati na rin ang Php3,000 na tulong niya pa rin sa kabutihan ng puso nito.

Narito ang ilan sa mga video ni Deng Danupan TV na naibahagi rin ng GMA News:

Marami-raming mga vlogger na ang gumagawa ng ganitong klaseng content na nakatutulong naman sa mga kababayan nating nangangailangan at naghihikahos sa buhay.

Ang ilan, nagagawa pang pagawan sila ng bahay at nabibigyan din ng pangkabuhayan upang may mapagkunan ng pang-araw araw nilang gastusin.

Ilan sa mga kilalang vlogger na nagagawang tumulong sa kapwa ay sina Basel Manadil, Tech Ram, Denso Tambyahero. Maging ang artistang si Ivana Alawi ay nakilala rin sa pagtulong niya sa kapwa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel