Tinaguriang "Half-man skateboarder", nanatiling positibo sa kabila ng kapansanan
- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang tinaguriang "Half-man skateboarder" na si Kevin Almazan
- Naibahagi niya ang mga pinagdaanan sa buhay hanggang sa matuklasan niya ang pag-skateboard
- Nakatutuwang maraming tao ang tumulong sa kanya para lang maabot ang pangarap na matutong mag-skateboard
- Ngayon, pangarap niyang makasali sa paralympics ng mga PWD na tulad niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagpaunlak ng panayam ang tinaguriang "Half-man skateboarder" na si Kevin Almazan kay Ogie Diaz.
Nalaman ng KAMI na inspirasyon ang hatid ni Kevin na sa kabila ng kawalan ng mga binti hanggang paa ay nagawa pa rin umano nitong mag-skateboard.
Kwento ni Kevin, since birth ang kanyang kalagayan. Subalit ang kanyang mga magulang, sinikap na bigyan siya ng normal na pamumuhay tulad ng pagpapapasok pa rin sa kanya sa paaralan.
Hanggang sa nakilala na nga ni Kevin ang skateboarding. Hiniling niya sa kanyang ina ang magkaroon ng sarili niyang skateboard, at hindi naman siya binigo nito lalo na at malapit daw noon ang kanyang kaarawan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagkaroon na rin siya ng manager na siyang tumutulong sa kanya na makasali sa iba't ibang events na nagbibigay din sa kanya ng pagkakakitaan.
Malaking bagay umano ito sa kanya lalo na at dahil sa pag-sktaeboard, nakakatulong na rin siya sa kanyang pamilya.
Ngayon, pangarap niyang makasali sa paralympics ng mga persons with disability at makarating sa ibang bansa dahil dito.
"Malaki po ang tiwala ko sa Panginoon. Dapat laging magdasal. Humingi ng tulong sa Diyos. Kasi ang Diyos nandiyan lang 'yan, nakikita ginagawa mong mabuti o hindi... Laging laban sa buhay. Tuloy-tuloy lang sa pangarap. 'Wag susuko, laging magdasal," ang pahayag mismo ni Kevin sa kung paano niya hinaharap ang kanyang buhay.
Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.
Kamakailan, naitampok din ni Ogie Diaz ang kwento ni Euleen Castro, ang kilala sa TikTok dahil sa kanyang pagiging isa umanong food critic. Inamin ni Euleen na hinarap niya ang matitinding pambu-bully mula pagkabata. Ngunit ngayon, masaya at confident siya sa kanyang sarili at natutunan na niyang dedmahin na lamang ang mga namumuna sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh