SHS, ipinagmalaki pa ang ama kahit 'di na nakapagbihis para sa kanyang graduation
- Umantig sa puso ng marami ang viral post ng isang senior high school graduate na kasama ang kanyang ama
- Mapapansing hindi na nakapagpalit pa ng damit ang ama para sa espesyal na okasyon ng anak
- Subalit, hindi raw ikinahiya ng anak ang ama at masayang nakipag-picture pa rito
- Pinasalamatan din ng anak ang ama na kahit pagod umano sa trabaho ay sinikap pa rin na dumalo sa Pagtatapos nito
Viral ang post ng isang senior high school graduate na proud sa kanyang ama.
Nalaman ng KAMI na isa umanong backhoe operator ang ama ng estudyanteng si Guillerma Idias na sinikap na makadalo pa rin sa kanyang Pagtatapos.
Umantig sa puso ng marami ang larawan ni Guillerma at amang si Florentino na hindi na umano nakapagpalit pa ng damit mula sa trabaho.
"Sabi ko kay papa, 'Picture tayong dalawa.' Ta's sabi ni papa, 'Wag na lang kasi hindi ako nakapagbihis. Ang dumi at ang basa ko pa. Pero sabi ko, "e ano kung madumi ang damit at basa na, wala akong pake hindi kita kinakahiya, bahala kahit hindi ka pa nakapagbihis,” ang caption ng post ni Guillerma sa wikang Cebuano.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Thankful ako na nandito ka sa graduation ko, kahit na pagod ka galing sa trabaho, dumeretso ka talaga sa graduation ko, kahit na basa ka pa, Pa," ang pasasalamat pa ni Guillerma sa ama na kahit mababakas ang pagod sa trabaho ay nakangiti pa rin sa espesyal na araw ng kanyang anak.
Narito ang larawan ng mag-amang ibinahagi rin ng Inquirer:
Kamakailan, nag-viral naman ang isang TikTok video kung saan isa umanong Nursing graduate ang hindi nakaakyat ng entablado para tanggapin ang kanyang diploma.
Nakilala ang naturang nursing grad na si John Marcelino Rosaldo at ang kanyang kapatid na si Celene ang naglabas umano ng hinaing sa nangyari.
Sinasabing tinanggal umano sa pila ng kukuha ng diploma si John Marcelino dahil hindi pa raw kumpirmado ang graduation fee nito.
Naglabas na rin ng pahayag ang paaralan ni John Marcelino at sinabing makailang beses na silang sumubok na kausapin ang kanilang estudyante at pamilya nito subalit hindi umano sila nakatanggap ng anumang sagot mula sa mga ito.
Source: KAMI.com.gh