PNP Danao sa SUV driver na umano'y nanagasa sa sekyu: "Baka gumagamit ka"

PNP Danao sa SUV driver na umano'y nanagasa sa sekyu: "Baka gumagamit ka"

- Matapos makilala ang driver ng SUV na umano'y nanagasa sa isang sekyu sa Mandaluyong, ayaw pa rin naman daw nitong sumuko

- Sinasabing walang tao na nasa matinong katinuan ang gagawa nito ayon kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

- Dagdag pa niya, maaring adik umano ang driver na sa halip na huminto ay lalo pang sinagasaan ang security guard

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ayon pa kay Danao, hintayin na lamang umano ng SUV driver ang warrant gayung nasampahan na ito ng kaukulang kaso

Hindi pa rin nagawang sumurender ng nakilala nang SUV driver na umano'y nanagasa sa security guard na si Christian Floralde sa Mandaluyong noong Hunyo 5.

PNP Danao sa SUV driver na umano'y nanagasa sa sekyu: "Baka gumagamit ka"
PNP Danao sa SUV driver na umano'y nanagasa sa sekyu: "Baka gumagamit ka" (Photo from Miko Angelo Ramos)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mismong si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang nagbigay sa itinatakbo ng kaso na ito lalo na at kalunos-lunos ang nagawa umano ng driver sa sekyu na ginulungan nito.

Read also

Ivana Alawi, pinasundo ang helper gamit ang chopper para isurpresa ng Belo makeover

"Unfortunately, take note, the owner of the vehicle refused to surrender. So the possibility is, guilty ka. Bakit ayaw mong sumurender?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama't nakilala na ang may-ari ng nasabing sasakyan, hindi naman nito magawang dipensahan ang sarili kung siya nga ba ang sumagasa sa sekyu o ang driver ng kanyang sasakyan noon.

"Ito ang tanong ninyo, bakit hindi sumusurender? Ikaw tsina-challenge kita Mr. San Vicente, ayaw mong sumurender tama... Isa lang sasabihin ko sa'yo, baka adik ka!"
"Because no person in his right senses will do that. Nakabangga ka na nga ng tao, imbis na hinintuan mo lalo mo pang sinasagasaan... Anong klaseng utak 'yan?"

Dagdag pa ni Danao, nasampahan na ng kaso ang umano'y salarin at inihahanda na nito ang warrant gayun hindi rin sumisipot sa hearing ang SUV driver.

Read also

James Reid, trending sa Twitter dahil sa bagong larawang kasama si Nadine Lustre

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. mula sa ABS-CBN News:

Hunyo 5 ng hapon nang maganap ang insidenteng gumulantang sa publiko matapos na sagasaan umano ng driver ng puting SUV ang isang security guard na tila pinahihinto siya.

Sa isang video, makikita ang buong pangyayari kung saan matapos na bungguin ang sekyu ng pinatatabing SUV, ginulungan pa siya ito at saka tumakas.

Frustrated murdér ang isasampang kaso sa driver na umano'y walang-awang sumagasa sa nakilalang 31-anyos na security guard na si Christian Joseph Floralde.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica