Mag-asawang Maguad, wala umanong nakitang pagsisi mula sa pumaslang sa mga anak nila

Mag-asawang Maguad, wala umanong nakitang pagsisi mula sa pumaslang sa mga anak nila

- Matapos maibaba ang hatol sa dalawang taong naging dahilan ng pagpanaw ng kanilang anak, naging emosyonal ang mag-asawang Maguad

- Handa na umano sana silang magpatawad dahil bilang mga Kristiyano ay alam nilang iyon ang tamang gawin

- Gayunpaman, ikinasama ng loob ng mag-asawa na tila wala man lang silang makitang pagsisisi mula sa mga akusado

- Lumingon pa umano ito sa kanila, tumawa at pinandilatan sila ng mata kaya ganoon na lamang ang sama ng loob ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam sa Newsline Philippines, naibahagi ng mag-asawang Maguad ang kanilang saloobin kaugnay sa pangyayari matapos maibaba ang hatol sa pumaslang sa kanilang dalawang anak. Wala umano silang makitang pagsisisi at lumingon pa umano ito sa kanila, tumawa at pinandilatan sila ng mata kaya ganoon na lamang ang sama ng loob ng mag-asawa.

Read also

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

Mag-asawang Maguad, nakita umanong walang pagsisi mula sa pumaslang sa mga anak nila
Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila (Screenshot from DXND Kidapawan)
Source: Facebook

Handa na umano sila sa ilalabas na hatol at handa na rin silang magpatawad ngunit hindi nila inasahan ang pinakita ng akusado. Anila, kahit man lang sana lumapit ito sa kanila at humingi ng tawad ay matatanggap nila.

Matatandaang hindi maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak. Umabot sa limang buwan ang naganap na paglilitis sa kaso na talaga namang tinutukan ng karamihan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa. Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid. Hindi naman maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate