Viral lolo na bumili ng kotse in cash, naikwento ang simpleng buhay mag-isa
- Ibinahagi ni Manuel Almere ang lolo na muntik nang hindi papasukin sa showroom ang kanyang simpleng buhay na mag-isa
- Wala umanong pamilya si Tatay Manuel na bumili ng kotse para mas mapabilis ang pagpunta niya sa simbahan
- Naikwento rin nito ang tungkol sa kanyang simpleng pananamit na umano'y dahilan bakit muntik na siyang hindi papasukin sa showroom ng binilhan niya ng kotse
- Marami ang humanga sa kanyang kwento mula sa viral post patungkol sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nang mag-viral ang kwento ni Manuel Almere ng Lanang, Davao City, marami ang naintriga sa kanung bakit nga ba sobrang simpleng kasuotan lamang ang pananamit nito sa araw na siya'y bumili ng sarili niyang sasakyan.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa nausisa ng GMA Regional TV. Napag-alamang 80-anyos na pala si Tatay Manuel na isa pala umanong retiradong associate professor.
Nang makapanayam ng nasabing programa ang nag-post na group retail consultant na si Love Dorego, nalaman nitong mag-isa na lamang sa buhay si tatay Manuel.
Dahil sa kanyang napiling kasuotan, halos hindi umano mapaniwalaang bibili pala ito ng kotse at cash pa ang ibinanayad nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon naman mismo kay Tatay Manuel, naisip sana niyang motorsiklo ang bilhin subalit lubhang delikado na para sa kanyang edad.
Kaya lamang din niya binili ang sasakyan ay upang mas mapabilis ang pagpunta niya sa simbahan.
"I want to please God, not myself, not a woman, not the world," ani Tatay Manuel na mas lalong hinangaan at umantig sa puso ng marami.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA News:
Kamakailan, labis ding hinangaan ang isang pari na matapos na manalo sa raffle sa isang Supermarket ay naisip nito na ibili ng makakain at iba pang mga pangangailangan ng mga watchers of poor ER patients sa Philippine General Hospital.
Sa naunang ulat ng KAMI, sinabing halagang Php25,000 ang napanalunan ni Fr. Marlito “Lito” Ocon. Ngunit nang malaman ng Marketing Office ng supermarket ang gawain ng pari na pagtulong sa kapwa na labis na nangangailangan, dinagdagan pa nila ito ng Php10,000 upang mas marami itong matulungan at mapasaya.
Source: KAMI.com.gh