Homeless sa viral "free hug" video ng ABS-CBN reporter, natagpuan na ng kapatid

Homeless sa viral "free hug" video ng ABS-CBN reporter, natagpuan na ng kapatid

- Matapos mag-viral ang larawan at "free hug" video ng isang babaeng homeless sa ABS-CBN reporter, natagpuan siya ng kanyang kapatid

- Nang makausap din ito ng concerned citizen, ibinahagi ang video na nasabi pa ng babaeng homeless ang kanyang pangalan

- Gayundin ang pangalan ng kanyang kapatid na siyang naghanap sa kanya

- Doon nalamang ang dahilan bakit ito naging palaboy at matagal na rin pala talaga nila itong nais na makita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natagpuan na ng kanyang kapatid si Melanie Dubos, ang palaboy sa viral "free hug" video ng isang ABS-CBN reporter.

Nalaman ng KAMI na isang concerned citizen ang kumausap kay Melanie matapos itong mag-viral.

Palaboy sa viral "free hug" video ng ABS-CBN reporter, natagpuan na ng kapatid
Ang pagkikita nina Melanie at kapatid nitong si Mona (Photo: Sakto, ABS-CBN News)
Source: Facebook

Doon nasabi niya ang kanyang pangalan gayundin ng kapatid niyang si Mona Dubos.

Ayon sa follow-up report ni Larize Lee, ang ABS-CBN reporter na nilapitan at bahagyang niyakap ni Melanie, natagpuan ito sa Barangay Almanza Dos sa Las Piñas.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong naman umano ng dating amo ni Mona, nakipag-ugnayan ito sa ABS-CBN na naging daan ng pagkikita ng magkapatid.

Doon nasabing mula pa Mindanao si Melanie na naghahanap noon ng trabaho sa Maynila. May isa kasing anak ito na naiwan. Kalaunan, naging homeless ito matapos na mabarkada at malulong sa ipinagbabawal na gamot.

Naiuwi pa ni Mona si Melanie subalit dahil nadadalas ang pagiging agresibo nito, minabuti nilang dalhin na muna ang kapatid sa National Center for Mental Health para mas mabigyang pansin ang kalagayan nito.

Matatandaang humanga ang marami sa ABS-CBN reporter na si Larize Lee matapos na mag-viral ang video at larawan nila kung saan hindi ito lumayo, sumigaw o anumang hindi magandang reaksyon nang bigla siyang lapitan at yakapin pa ng palaboy na si Melanie Dubos.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Ayon sa mga netizens, kahanga-hanga ang ipinakitang reaksyon ni Larize na kalmado lamang at hindi kinakitaan ng pandidiri sa palaboy.

Naging daan pa ito upang matulungan ang palaboy na matagal na palang hinahanap ng kanyang mga kaanak.

Hindi rin umano inaasahan ng reporter na magba-viral ang kanilang video at mga larawan. Natutuwa rin umano siyang nakahanap na ni Melanie ang kanyang pamilya subalit pansamantala niyang hindi muna ito makakasama dala ng kanyang kalagayan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel