Mga pulis sa viral video na umano'y tumangay sa Php14k ng vendor, sibak na sa pwesto
- Sibak na sa pwesto ang apat na pulis na umano'y nanakit at kumuha ng kita ng isang vendor
- Bukod pa rito, mahaharap ang apat na pulis sa kasong robbery
- Kinumusta din ng programa ang kalagayan ng biktima na aminadong hindi pa rin umano maalis ang trauma
- Binigyan din ng RTIA ng tulong pinansyal ang vendor para sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agad nang naaksyunan ang sinapit ng vendor na si Eddie Yuson na umano'y sinaktan at ninakawan ng apat na pulis.
Nalaman ng KAMI na kamaikailan ay nag-viral ang CCTV footage ng umano'y aktwal na pananakot, pananakit at pagkuha ng pinaghirapang pera ni Yuson.
Sa tulong ng programang Raffy Tulfo in Action kung saan humingi ng tulong ang vendor, agad nitong nabigyang aksyon ang naturang insidente.
Inihayag ni Atty. Garreth Tungol ng programang RTIA, relieved na 'di umano sa pwesto ang mga pulis na kinilalang sina P/CPL Ryan Mateo, P/CPL Mark Christian Cabanilla, P/CPL Rommel Toribio at P/CPL Noel Sison.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Na-relyebo na po 'yung mga pulis na 'to sa kanilang posting. Hindi na po sila pwedeng umulit sa kanilang operations dahil hindi rin nila kayang gampanan 'yung dapat na ginagawa dati," pahayag ni Atty. Tungol at sinabing nakasuhan na rin ang mga nasabing pulis.
"Sila rin po ay kinasuhan ng kaso ng robbery. So, ayun na po. umaandar na po 'yung wheels of justice kung akin ngang tawagin. Pero kahit wala pa po 'yung criminal case, administratively na parusahan na po sila," Paliwanag ni Atty. Garreth.
Kinumusta na rin nila ang kalagayan ng biktima na patuloy pa rin ang matatanggap na proteksyon sa awtoridad upang masiguro ang kanyang kaligtasan.
Nakatanggap din siya ng tulong mula sa RTIA para sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 23 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh