Pag-I do ng ikinakasal, kasabay ng pag-alboroto ng Bulkang Taal
- Ikinuwento nina Alvin at Blessie ang kasalan nilang kasabay ng muling pag-alboroto ng Bulkang Taal
- Noong Marso 26 ng umaga, muling nagbuga ng usok ang Bulkang Taal na siyang naging hudyat ng pagtaas nito sa Alert Level 3
- Kasabay nito ang kasalan nina Alvin at Blessie na itinuloy pa rin kahit nagbubuga na ng makapal na usok ang Taal
- Tinatayang mahigit isang libong residente ang inilikas mula sa barangay Banyaga at barangay Bilibinwang sa Agoncillo, Batangas na nakaranas na ng ash fall
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naibahagi ng bagong kasal na si Blessie at Alvin ang karanasan nila kung saan ikinasal sila habang nag-aalboroto ang Taal noong Sabado, Marso 26.
Nalaman ng KAMI na umaga ng Sabado habang mismong nagpapalitan ng "I Do" sina Alvin at Blessie ay sumabay ang pagbuga ng usok ng Taal.
Kwento pa ni Blessie, nasabi ng kanilang mga bisita na nauna sa venue na tila mausok na ang lugar.
Subalit hindi pa rin nagpatinag ang dalawa kahit nakakaramdam na rin sila ng pag-aalala.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Parang nag-congrats 'yung Taal 'nung time na nag-I do kami," ani Blessie na masayang naikasal pa rin sila ni Alvin at nakapag-picture pa nga kung saan background ang puting malalaking usok na mula sa Taal Volcano.
Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang aktibong bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.
Madaling araw ng Biyernes, Marso 25, naobserbahan na ng Phivolcs ang kakaibang aktibidad sa Taal. Marso 26, Sabado nang itinaas na ng Phivolcs sa alert level 3 ang nasabing bulkan.
Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan. At ngayon, makalipas ang nasa dalawang taon, muli na naman itong nagpaparamdaman ng posibleng pag-alboroto.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, Noong 2020 din, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Source: KAMI.com.gh