Video ng lola na naiyak habang nag-aabang kay VP Leni, viral
- Nag-viral ang larawan at video ng isang lola na matiyagang naghintay at nag-abang kay Vice President Leni Robredo nang bumisita ito sa Tarlac
- Aniya, maaga siyang gumising upang maayos na makapwesto at makita nang malapitan si VP Leni
- Dahil sa viral na larawan, naging daan ito upang matulungan siyang makalapit at makayakap sa kanya sa entablado ng People's rally
- Naging usap-usapan din ang naturang campaign rally sa Tarlac dahil sa pagdating ni Kris Aquino sa kabila ng karamdaman nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agaw-eksena online ang larawan at video ng 75-anyos na si Nanay Gloria Beltran habang hinihintay umano ang pagdating ni Vice President Leni Robredo na paparating noong sa kanilang lugar sa Gerona, Tarlac.
Nalaman ng KAMI na si Nanay Gloria ang nakunan ng larawan at video na naluluha na habang nag-aabang sa pagdaan ng bise presidente na ngayo'y tumatakbo sa pagka-pangulo.
Kwento ni Nanay Gloria. maaga siyang gumising para makpuwesto ng maayos at makita si VP Leni.
Hiling niya talaga na manalo ito gayung babae ang nais niyang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa kanyang viral na video, natulungan siyang makalapit at mayakap ang pangulo sa campaign rally nito.
"Oo mababa 'yung pinag-aralan ko pero nakakaintindi ako... Talagang siya (Leni) lang ang gusto ko"
"Maraming taong nagtitiwala sa kanya. Talagang siya lang ang gusto ko," naluluhang nasabi ni Nanay Gloria.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page ni VP Leni Robredo:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Bago pa ang pagtitipon sa Tarlac na dinaluhan din ni Kris Aquino, dinaos din ang campaign rally sa Nueva Ecija na may 50,000 katao din ang dumalo. Gumawa rin ng ingay ang mga 'Kakampink' sa Pasig City kung saan umabot ng 137,000 ang dumalo sa People's rally ng grupo ni Robredo noong Marso 20.
Source: KAMI.com.gh