Dub King, nabiktima umano ng holdap sa loob mismo ng coffee shop sa SM MOA
- Nabiktima ng robbery hold-up ang tinaguriang 'Dub King' ng TikTok na si Jules Eusebio
- Noong Marso 1, sa loob mismo ng isang coffee shop sa SM Mall of Asia naganap ang insidente
- Kaswal na pumasok ang isang lalake na dumampot ng kanyang bag at pitaka
- Nang magtangka siyang manlaban para makuha ang mga gamit, tinutukan umano siya nito ng baril
- Nanawagan siya sa pamunuan ng SM MOA na makipagtulungan sa mga aworidad upang hindi na maganap muli ang naturang insidente
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ni Jules Eusebio o mas kilala bilang si 'Dub King' ng TikTok ang kanyang karanasan sa umano'y robbery hold-up na naganap noong Marso 1.
Nalaman ng KAMI na sa loob mismo ng isang coffee shop sa Five eCom building ng SM Mall of Asia (MOA) naganap ang naturang insidente.
Ayon kay Jules, bandang alas diyes naganap ang holdap kung saan kaswal na pumasok sa coffee shop ang lalake na agad na nakuha ang kanyang bag at pitaka.
Sinubukan niyang pigilan at kunin muli ang kanyang mga gamit nang bigla naman siyang tutukan nito ng baril.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Wala umanong guwardiya ang naturang establishment at tanging babaeng barista lamang ang naroon nang mga oras na iyon gayundin ang ilang mga babaeng customers.
Bagaman at hindi naman umano sila nasaktan, pangamba ni Jules na maulit pa ang pangyayari lalo na at nakatakas ang mga salarin.
Agad na naman itong nanawagan sa pamunuan ng SM MOA na makipagtulungan sa pagresolba ng naturang insidente para na rin sa kaligtasan ng mga nagpupunta sa naturang mall.
"I'm making this video not because the incident happened to me but for the sake of those na pumupunta sa Mall of Asia at namamasyal. At ganun din yung mga empleyado na nagtatrabaho sa mga establishments."
"I am appealing to the management of the SM Mall of Asia to please cooperate to the Philippine National Police of Pasay and share the CCTV footage of what transpired after the hold-up outside the building of Five eCom."
Narito ang kabuuan ng salaysay ni Dub King:
Kamakailan, ang ina ng aktres na si Nadia Montenegro ay nabiktima naman umano ng pagnanakaw sa loob ng isang Membership-only retail warehouse club chain.
Tinatayang nasa Php130,000 ang nalimas ng pitong katao na umano'y kumuyog sa kanyang ina.
Sa huling update ni Nadia, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganoong insidente dahil matapos na maibahagi sa social media ang kaganapan, maraming tao ang nagpadala sa kanya ng komento at mensahe na nagsasabing nangyari rin umano ito sa kanila.
Source: KAMI.com.gh