Koreanong nakapag-asawa ng Pinay, humingi ng tulong para makauwi na siya sa Korea
- Isang Koreanong nakapag-asawa ng Pinay ang humingi ng tulong na makauwi siya sa kanilang lugar sa Korea
- Nais umano sana niyang makauwi kasama ang kanyang asawa at mga anak sa kanilang bansa dahil sa hirap ng buhay nila sa Pinas
- Kwento niya, nawala ang kanyang passport matapos nakawin ito sa kanya
- Kwento pa ng 59 anyos na dayuhan, 20 anyos na rin siyang naninirahan sa Pilipinas
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatas nang bumigkas ng mga salitang Bisaya ang isang 59 anyos na Koreano dahil na rin sa tagal niyang namuhay sa Pilipinas. Humingi siya ng tulong para makauwi na siya sa kanilang bansa dahil nanakaw ang kanyang passport.
Sa panayam ng RMN - DXBC Butuan 693, kasama niyang nakipag-usap ang kanyang asawa na 35 anyos. Mayroon silang limang anak at kasalukuyang nagdadalangtao ang kanyang asawa. Ayon sa Koreano, siya ay taga-Cheongju sa South Korea.
Nais umano sana niyang makauwi kasama ang kanyang asawa at mga anak sa kanilang bansa dahil sa hirap ng buhay nila sa Pinas. 20 taon na dw siyang naninirahan sa Pilipinas. Marami naman ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na makatulong sa mag-asawa:
I'd love to know thier details Para maka padala man lng ng konting ayuda, im a mother too and expecting another baby, I can't imagine the pain, hunger she have to endure
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa pandemic daming foreign national naghirap . Marami din dito sa amin yung mga dating business man na foreigner ngayon palaboy laboy na lang . Sana makauwi na siya btw mabait si Ate kahit walang wala na koreano niya di niya padin iniwan
Andito po ako korea, pakibigay complete details niya, lahat po na pwedeng magamit para mahanap parents niya or any relatives niya dito sa korea.
Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.
Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh