Kaso laban kay Lolo Nardo na nanguha umano ng mangga, ibinasura na
- Tuluyan nang ibinasura ng korte ang kasong isinampa laban kay Lolo Nardo na umano'y nanguha ng mangga
- Humingi na ng tawad ang 83-anyos na lolo sa complainant at tinanggap naman ito ng nagsampa ng reklamo
- Matatandaang gumuluntang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Nardo na nasa kamay ng awtoridad dahil sa pangunguha ng mangga
- Ayon sa Pulisya, 'di nagkasundo sina lolo Nardo at kanyang kapitbahay kaya umabot na ito sa pagsasampa ng reklamo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Dismissed na ang kaso laban sa 83-anyos na si Lolo Nardo Flores na umano'y nanguha ng mangga sa kanyang kapitbahay.
Nalaman ng KAMI na nga tuluyan nang ibinasura ng isang korte sa Pangasinan matapos na magkapatawaran ng lolo at kapitbahay nitong nagsampa ng reklamo.
"Dismissed na po yung kaso ni lolo. Humingi ng paumanhin si lolo sa complainant, and then malugod naman na tinanggap ng complainant yung pagso-sorry ni lolo. With the execution of the affidavit of desistance praying for the dismissal of this case, and the court granted naman yung prayer namin," pahayag ni Atty. James Fernandez na nagbigay pahayag ngayong Martes, Pebrero 8.
Hindi naman na nagbigay pa ng pahayag ang kampo ng complainant na malugod na tinanggap ang paghingi ng tawad ng matanda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng pahayag ng abogado ni Lolo Nardo mula kay Arra Perez ng DZMM:
Gumulantang sa publiko ang mga larawan ng noo'y napangalanang Lolo Narding na Nardo Flores pala ang tunay na ngalan na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga sa puno ng kanyang kapitbahay.
Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.
Nilinaw naman ng nagreklamo na hindi lamang sampung kilo kundi tinatayang nasa anim na kaing o mahigit 100 kilo ng mangga ang nakuha na ng matanda sa kanila.
Samantala, mula na nang kumalat ang larawan ni Lolo Nardo sa social media, dumagsa ang tulong ng mga indibidwal na nagpaabot ng tulong sa kanya. Isa na rito ang vlogger at negosyanteng si Shiwen Lim na sumadya pa sa Pangasinan para makita sana ang kalagayan ni Lolo Nardo at personal na abutan ito ng tulong.
Gayundin ang aktor na si Wendell Ramos na personal ding naghatid ng pangkabuhayan ni Lolo Nardo at kanyang pamilya.
Source: KAMI.com.gh