Ina ng Maguad siblings, nadurog ang puso nang makita ang lagay ng mga suspek

Ina ng Maguad siblings, nadurog ang puso nang makita ang lagay ng mga suspek

- Aminadong nadurog ang puso ni Lovella Maguad, ang ina ng magkapatid na Maguad na pinaslang noong Disyembre 10 ng nakaraang taon

- Nagkita na muli ang magkabilang panig sa ginanap na pagdinig sa kaso

- Naiyak na lamang ang ginang nang makitang nasa maayos umanong kalagayan ang dalawang suspek

- Aniya, hirap pa rin silang makamit umano ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mga anak gayung may edad na 18 pababa ang mga suspek nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkita na muli ang mga magulang ng Maguad siblings at ang dalawang suspek umano sa pamamaslang sa mga biktima.

Ina ng Maguad siblings, nadurog ang puso nang makita ang lagay ng mga suspek
Ina ng Maguad siblings, nadurog ang puso nang makita ang lagay ng mga suspek
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pagdinig ng kaso, dumalo ang mga suspek na nilarawan ng ina ng mga biktima na "properly dressed" at ang isa naman at sinamahan pa ng kanyang mga magulang.

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, nilinaw ang viral pic: "We condemn those who are quick to judge"

Aminadong nadurog ang puso ng ginang gayung masasabing maayos ang lagay ng dalawang salarin dahil sa edad nilang 18 pababa kaya hindi basta mahabla.

"We saw the perpetrators in the court with no remorse," ani Lovella Maguad, ina ng magkapatid na walang-awang pinaslang ng kapwa nila kabataan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"One was properly dressed- wearing black long sleeved shirt tucked in blue jeans. Wearing sunglasses as she entered the court guarded by a DSWD worker & a policewoman in civilian attire while the other was escorted by the DSWD worker & his parents," pagpapatuloy niya sa post kung saan nilabas niya ang kanyang saloobin.
"I was jealous to see them looking good, overly protected... I would like to confront them or wanted to look at them in the eye to ask them WHY? but I just tightly hold my husband's hand and cried because we couldn't do anything because the law is protecting them," dagdag pa niya.

Read also

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

Narito ang kabuuan ng post:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid at patuloy na pinaghahanap ang kasabwat nito.

Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.

Hiling ng marami ang hustisya para sa magkapatid na Maguad tulad na lamang ng brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio at maging ang hindi pa umano nareresolbang kaso ng lady driver na si Jang Lucero.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica