Tinderong natulungan ni Basel Manadil, naisip na ibahagi agad ang biyaya
- Kahanga-hanga ang isang vendor na natulungan ng vlogger na si Basel Manadil
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Nagtitinda ito ng mga merienda at nagpanggang si Basel na nagugutom kaya't agad naman siyang binigyan ng cup noodles ng vendor
- A pakikipagkwentuhan ni Basel sa tindero, nalaman nitong madalas siyang lamangan at utangan ng ilang mga riders na hindi na siya binabayaran
- Laking gulat ng mabuting tindero nang bigyan siya ng malaking halaga ng vlogger ngunit naisip pa rin niyang magbahagi nito lalo na at malapit na raw ang kaarawan niya
Kinakitaan ng kabutihan ng puso ang vendor na si Adin na natulungan ng vlogger na si Basel Manadil.
Nalaman ng KAMI nadaanan lamang ni Basel ang naglalako ng merienda na si Adin at naisipan niyang isurpresa ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagpanggap munang nagugutom si Basel at kunwaring tatlong araw na siyang hindi kumakain. Agad naman siyang inalok ng cup noodles ng tindero na nakipagkwentuhan na rin sa kanya.
Hanggang sa napansin ni Basel ang notebook at tinanong niya si Adin kung para ito sa imbentaryo ng kanyang paninda.
Doon nalaman ng vlogger na iyon ay listahan ng mga may utang pa kay Adin at iba sa mga ito ay hindi na nagbabayad sa kanya.
Kaya naman nang ilabas na ni Basel ang malaki-laking halaga ng perang surpresa niya kay Adin, halos hindi ito makapaniwala at agad na nagpasalamat.
Ang nakamamangha pa sa kanya, naisip niyang maghanda sa lugar na iyon upang maibahagi ang biyayang natanggap. Nalalapit na rin daw kasi ang kanyang kaarawan.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Mayroon na siyang halos limang milyong subscribers sa YouTube.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.
Ilan sa mga video na umantig sa puso ng kanyang viewers ay ang pamamahagi niya ng tulong sa nasa 20 na taong lansangan na nadaanan lamang niya.
Gayundin ang mga jeepney at taxi drivers na naging matumal ang biyahe noong nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya ay naabutan niya ng malaki-laking halaga upang mabigyan ang mga ito ng pag-asang makabangon muli sa kabila ng mga pagsubok.
Source: KAMI.com.gh