OFW, ibinahagi ang nakakaantig pusong video ng paghabol sa kanya ng kanyang alaga

OFW, ibinahagi ang nakakaantig pusong video ng paghabol sa kanya ng kanyang alaga

- Ibinahagi ng OFW na si Francine Jennifer Pascual ang video ng paghabol sa kanya ng kanyang alaga

- Ayaw daw kasi nitong mawalay sa kanya gayung pauwi na siya ng Pilipinas

- Ipinaliwanag daw niyang baka ang mga magulang nito ang umiyak kapag isinama niya ang alaga ngunit tila gusto pa rin nitong makapiling siya

- Naikwento rin ng OFW ang kabutihan ng pamilya ng kanyang amo kaya naman ganoon na lamang ang paghabol sa kanya ng kanyang alagang napamahal na sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umantig sa puso ng marami ang mga video na naibahagi ng OFW na si Francine Jennifer Pascual kung saan ganoon na lamang ang paghabol sa kanya ng kanyang alaga.

Nalaman ng KAMI na pauwi na si Francine noon sa Pilipinas ngunit makikitang ayaw pa ring humiwalay sa kanya ng kanyang alaga.

Read also

Jeep sa Maynila na may pa-videoke sa pasahero, kinagiliwan ng netizens

OFW, ibinahagi ang nakakaantig pusong video ng paghabol sa kanya ng kanyang alaga
Photo from Francine Jennifer Pascual
Source: Facebook

Kahit anong paliwanag niyang hindi ito maaring sumama, patuloy sa pag-iyak at paghabol ang alaga niyang napamahal at napalapit na sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Francine tungkol sa viral post na naibahagi niya sa KAMI:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Isa po akong domestic helper sa Saudi Arabia. Sa pagdating ko sa Saudi year 2017, 3 palang ang alaga ko at buntis yung amo ko kong babae. 'Yan yung batang babae na umiiyak halus paglabas niyan ako ang ng aruga. Tumatabi sa pagtulog hanggang sa lumaki, nabuntis uli ung nanay nila.
"Kaya noong time na tapos na kontrata ko hindi ako makauwi kasi iniisip ko sitwasyon ng madam ko. Kaya napa-extend ako hanggang sa umabot ng 5yrs ako na walang uwian."
"Hindi iba ang trato ng mga amo ko sa'kin halos anak lng at kapatid, kaya ganyan ako kamahal ng alaga ko kahit ini-explain ko na sa kanya na bawal sya sumama skin dahil iiyak yung parents niya wala syang pakialam sabi nya. Expect niya talaga sasama siya sakin umuwi ng Pinas kaya ganyan nalang siya magwala nang pumasok na ako hanggang ngaun ansakit."

Read also

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay maayos ang trato ng mga napupuntahan nilang pamilya ng employer.

Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.

Habang ang ilan, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica