70-anyos na tindero ng itlog, naloko na ng customer; natangayan pa ng Php10,000
- Nakakadurog ng puso ang sinapit ng lolo na naglalako ng itlog dahil bukod sa nadadalas ang panloloko sa kanya, naholdap pa siya
- Isang netizen ang nakakita ng kalagayan ni Lolo na hirap nang mag-deliver ng panindang itlog sa paahong lugar
- Ang residenteng nagmalasakit, pinakyaw na rin ang paninda ni Lolo matapos na malamang na-scam pa ito at hindi binyaran ang mga nai-deliver
- Samantala, noong nakaraang buwan lamang, naholdap naman ang matanda at natangay ang Php10,000 inutang lamang niya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang naantig ang damdamin sa sinapit ng 70-anyos na si Lolo Romeo Pagapulaan at naglalako ng itlog sa Project 8, Quezon City.
Nalaman ng KAMI na mag-isa na lamang sa buhay si Lolo Romeo kaya naman kahit hirap na, nagsisikap pa rin itong magtinda.
Sa kasamaang palad, ilang beses na umanong naloko ang matanda at na-scam ng ilan sa mga nagpanggap na kanyang customer.
Kamakailan, nakunan nga ito ng video na napahinto sa pag-pedal ng kanyang bisikleta gayung paahon ang lugar kung saan niya ide-deliver ang paninda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Makikita rin sa naturang video na isang nagmalasakit na residente ang tumulong alalayan si lolo sa bahagyang pag-ahon.
Nang usisain din ng ilang residente ang kanyang kalagayan, nalaman ng mga ito ang panlolokong ginawa ng customer sa kanya.
Kaya naman pinakyaw na lamang ng mga residente ang natitirang paninda ng lolo.
Bukod dito, naranasan din ng matanda na maholdap noong nakaraang buwan. Php10,000 ang natangay sa kanya na inutang lamang pala niya.
Ang nagsisilbing pamilya ni Lolo Romeo ay ang mga tao sa palengke na nagtutulong-tulong sa mga pangangailangan ng matanda.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Lolo Romeo na naibahagi ng GMA News:
Kamakailan ay nag-viral ang sinapit ni Lolo Nardo Flores o mas nakilala sa social media bilang si "Lolo Narding".
Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga sa puno na hindi umano sa kanila.
Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.
Ayon naman sa caretaker ng lugar kung nasaan ang puno ng manggang pinagkunan ni Lolo Narding, nagulat na lamang sila nang malamang may warrant of arrest na para sa matanda gayung balak na nilang iatras ang kaso. Nilinaw din niyang hindi si Lolo Narding ang nagtanim ng punong mangga.
Source: KAMI.com.gh