Apo, sinikap makaipon ng Php199 para maisamang kumain ang lolo ng Samgyeopsal
- Viral ang post ng isang restaurant owner patungkol sa mag-lolo na kumain sa kanila ng Samgyeopsal
- Ayon sa may-ari, naglalako ang mag-lolo sa kanilang lugar at napansin niyang namamasko ito makaipon lang ng Php199
- Ito ay para masubukan umano nilang mag-lolo na makakain ng Samgyeopsal
- Pinabaunan pa ng may-ari ng restaurant ang dalawa upang may makain pa ang mga ito pag-uwi nila sa kanilang tahanan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umantig sa puso ng marami ang kwento ng batang si Joshua na sinikap makaipon ng halagang Php199 mula sa pamamalimos upang maisama lamang ang kanyang lolo na makakain ng Samgyeopsal.
Ibinahagi restaurant owner na si Jessica Absalon ang naging usapan ng batang si Joshua at kanyang lolo na nais kumain sa kanila.
Subalit hindi pa raw sapat ang kanilang pera at kinailangan pa nilang mag-ipon ng Php199 para may pambayad.
Madalas daw kasing naglalako ang dalawang ito sa kanilang lugar. At nang makalikom ng sapat na pera, agad na nagtungo ang mag-lolo sa JK Samgyupsal Unli-Korean BBQ.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain," pahayag ng batang si Joshua na agad na noong nilapitan ni Jessica para mahainan ng pagkain.
Pinabaunan din ni Jessica ang mag-lolo upang may makain ang mga ito sa kanilang pag-uwi.
"Got some realization mga sis na we are still very lucky kung ano man ang meron tayo ngayon, learn how to be contended and appreciate things maliit man o malaki bongga nayarn," pahayag ni Jessica.
Nag-iwan na rin ng impormasyon si Jessica kung saan maaring makapagpadala ng tulong ang mga nagmamalasakit kina Joshua at kanyang lolo bungad nang mabasa ng mga ito ang kanilang kwento.
Narito ang kabuuan ng post:
Nakatutuwang isipin na marami sa ating mga kababayan ang nakapagbibigay ng tulong sa kapwa nating higit na nangangailangan.
Tulad na lamang din ng vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay kung paano siya nagiging instrumento ng pagbabahagi ng biyaya sa mga naghihikahos nating kababayan.
Kamamkailan, natulungan niya ang isang lolo na namumuhay na lamang mag-isa at buwis buhay na naglalako ng kahoy at anumang tanim na itinatawid pa niya sa malalim na ilog.
Hinakot din ni Virgelyn kamakailan ang mga taong nasa lansangan lamang at walang pang-Noche Buena at kanya itong pinakain sa restaurant at binigyan ng mga Pamasko.
Source: KAMI.com.gh