Nakakaantig na TikTok video ng isang mapagmahal na lola, viral

Nakakaantig na TikTok video ng isang mapagmahal na lola, viral

- Tumabo sa milyon-milyong views ang TikTok video ng isang netizen na nagbahagi ng video ng kanyang mapagmahal na lola

- Base sa kanyang caption sa viral na TikTok video, sinabi umano ng kanyang lola na may ibibigay daw ito sa kanya kasi malapit na daw siyang mamatay

- Bugkos-bugkos na pera at maging ang kanyang iba pang pera sa kanyang pitaka ang kanyang inabot sa kanyang apo

- Marami ang naantig at naluha sa pinakitang ito ng kanyang lola na ayon sa kanyang apo ay 95 anyos na

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na nag-viral ang isang video ng TikTok user na may handle na @feelip_oliver. Tumabo sa milyon-milyong views ang TikTok video na nagpapakita ng video ng kanyang mapagmahal na lola.

Nakakaantig na TikTok video ng isang mapagmahal na lola, viral sa social media
Nakakaantig na TikTok video ng isang mapagmahal na lola, viral sa social media (@feelip_oliver)
Source: Facebook

Base sa kanyang caption sa viral na TikTok video, sinabi umano ng kanyang lola na may ibibigay daw ito sa kanya kasi malapit na daw siyang mamatay.

Read also

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

Bugkos-bugkos na pera at maging ang kanyang iba pang pera sa kanyang pitaka ang kanyang inabot sa kanyang apo. Marami ang naantig at naluha sa pinakitang ito ng kanyang lola:

I miss my lola :< This made me tear up

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

2:25am na umiiyak huwag niyo sya pababayaan
Mahalin niyo yung lola niyo hanggat nandiyan pa

Base naman sa kanyang sagot sa tanong ng isang commenter, 95 anyos na ang kanyang lola at ipinost lamang daw niya ito para sa memorabilia purposes.

Hinimok niya rin ang netizens na ipadama sa mga mahal sa buhay ang pagmamahal nila.

Salamat po. for memorabilia purposes po kaya inapload ko ito. sana ipadama natin ang ating pagmamahal sa mga mahal natin sa buhay habang nabubuhay pa.

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Kamakailan ay umantig din sa publiko ang pag-iyak ng isang lola matapos mabagansiya ang kanyang mga alagang aso. Labis ang kanyang pag-iyak nang sa wakas ay nayakap niyang muli ang pinakamamahal na mga alaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel