Basel Manadil, namigay ng 40 lechon sa mga Pinoy na walang handa noong Bagong Taon
- Nag-ikot noong bisperas ng Bagong Taon ang vlogger na si Basel Manadil para mamigay ng mga lechon
- Naisip niya kasi ang mga kababayan nating walang panghanda sa pagdiriwang ng Bagong Taon
- Maging ang mga taong lansangan na walang makain ay kanyang nabigyan ng lechon
- Na-prank man niya ang isang pamilya na kunwaring may order ang mga ito ng isang buong lechon, binigay naman niya ito pagkatapos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi nakalimot si Basel Manadil sa mga kababayan nating mga Pinoy noong Bagong Taon.
Naisipan niyang mamili ng lechon para maipamahagi sa mga masusuwerteng mabibigyan niya sa lansangan.
Pinahati na niya ang ang ilang lechon na umabot sa 40 na supot na siyang ipinamahagi niya sa mga nadadaanan nila partikular na iyong mga alam niyang wala pang mga maihahanda sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Nabigyan din ang mga street vendors na kahit Disyembre 31 na ay nagsisikap pa rin maglako dahil kailangan pa rin nilang kumita.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mababakas ang saya sa kanila nang malamang lechon ang laman ng plastic bag lalo na at wala pa rin daw silang handa pagsapit ng Bagong Taon.
At ang pinakahuling nabigyan nila ay ang pamilyang tinangka nilang i-prank at nagkunwari silang delivery boy ng litsunan.
Sinabi nilang may order ang pamilya na pilit na itinatangging sa kanila ang lechon.
Kalaunan, ibinigay na rin ni Basel ang isang buong lechon na kanilang dala sa compound ng pamilya na kanilang napuntahan upang mapagsaluhan nila sa kanilang handaan.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Mayroon na siyang halos limang milyong subscribers sa YouTube.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.
Kamakailan, pinaaga nito ang pasko sa mga street vendors na nadaanan lamang niya ngunit nabigyan niya ng malaking tulong na maiuuwi ng mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.
Namahagi rin siya ng biyaya sa mga security guards ng mga subdivision na hindi makapaniwala sa laki ng halaga ng perang iniabot sa kanila ni Basel.
Source: KAMI.com.gh